• July 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hamon ni PBBM kay Quiboloy: “Magpakita ka at harapin ang akusasyon laban sa iyo!”

HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na lumutang, magpakita at matapang na harapin ang akusasyon na ibinabato laban sa kanya.
Sa isang ambush interview, hiningan ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa pagkuwestiyon ng kampo ni Quiboloy sa motibo ng mga indibiduwal na nag-alok ng P10 milyong pabuya para ituro ang kinaroroonan ng Pastor.
Sinabi ng Pangulo na sinusunod lamang nila ang batas sabay buweltang pag-kuwestiyon din sa motibo ng kampo ni Quiboloy.
“He can question their motives as much as they want. But magpakita siya. I question his motives. Let me question his motives,” ang sinabi ng Pangulo.
“Bakit lagi kami kinukuwestiyon? Sinusundan lang namin ang batas. Sundin din niya ang batas. ‘Yun lang,” aniya pa rin.
Sa ulat, inakusahan ng sexual at child abuse si Quiboloy.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Other Sexual Abuse), na nakapokus sa proteksiyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.
May karagdagan pa umanong kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng nasabi ring batas (Other Acts of Child Abuse) ang isinampa laban kay Quiboloy, at kina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso naman ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa Qualified Trafficking in Persons sa DOJ main office. (Daris Jose)
Other News
  • Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant

    Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.     Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan […]

  • PBBM inaprubahan ang boluntaryong face masks sa outdoor areas

    EPEKTIBO  na sa ngayon ang “optional” na paggamit ng face masks laban sa COVID-19 outdoors sa mga hindi siksikan na lugar, matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).     Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa […]

  • Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec

    Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro.     Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30.     […]