Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood pagkatapos ng “24 Oras.”
Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa pinupuri ng mga netizens si Barbie at sa husay ng pagganap nito.
Kaya, tiyak na masayang-masaya si Barbie na mapuri siya ng kontrobersiyal director na si Darryl Yap, ng blockbuster movie na “Maid in Malacanang,” na kilala bilang isang prangka at hindi basta pumupuri sa mga napapanood niya, at madalas niyang siraan ay ang mga teleseryeng ginagawa ng mga TV networks.
Sinasabi niya kung cheap at walang class ang napanood niya.
“Dalawa pa lamang ang shows ng GMA na wala akong pinalagpas na episode, ang “Ghost Fighter” at “Starla and the Jewel Riders.” Ngayon katatapos ko lamang mapanood ang unang episode ng pangatlo kong susubaybayan, ang “Maria Clara at Ibarra,” post ni Direk Darryl sa kanyang Facebook.
“Hindi siya nakakabato, hindi pilit ang lipad ng istorya, hindi kailangan ng hype, maganda talaga.”
“Congrats po Suzette Severo Doctolero and the rest of the team! Looking forward to the next episodes. Congrats Zig Dulay!”
At sa mga bida nga ng serye, special mention ni Direk Darryl si Barbie: “Nagulat ako kay Barbie, she’s effective.”
Bukod kina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose, umiikot ang story nito kay Klay, tipikal Gen Z na magically ay napasok sa libro ng “Noli Me Tangere” at nakakasama ng mga kilalang karakter dito.
***
OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, dahil today. Saturday, October 8, ay limang taon na ang “Tadhana,” ang award-winning drama anthology ng GMA Public Affairs.
Kaya buong puso ang pasasalamat ni Marian sa mga walang sawang sumusubaybay sa kanya at sa “Tadhana” sa loob ng limang taon. Bilang pasasalamat ni Marian at ng programa, handog nila ay isang three-part anniversary special na mapapanood simula ngayong October 8, then on October 15 and 22.
“Totoo namang hindi laging masaya – may mga kuwento ng pagkabigo, mayroon ding tagumpay. Mayroon ding nagbibigay-inspirasyon at maraming pagkakataon,” wika ni Marian.
“Ang mahalaga, sa huli, laging may gintong aral na makukuha at mas nagpapalakas sa atin. Hindi man laging masaya ang buhay, mas malakas, mas matatag, at mas matatapang tayo ngayon sa anumang hamon ng buhay. Kaya saan man kayo dalhin ng Tadhana, kapit lang, Kapuso.”
Sa anniversary offering ng “Tadhana” ang “Baliw na Puso” na magtatampok kina Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin at Mylene Dizon, directed by Rommel Penesa, mapapanood ito at 3:15PM sa GMA-7.
***
NASA GMA Pinoy TV anniversary show sa US si Bea Alonzo, kasama ng mga kapwa Kapuso na sina Dingdong Dantes, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha, nang magkaroon ng world premiere ang first teleserye niya sa GMA Network, ang “Start-Up Philippines.”
Kaya pagbalik lamang nila sa bansa, saka niya nalaman na big success ang showing nito.
“When I came back, I was told that it is rating well and the feedbacks on the net is all very positive, so parang back-to-back happiness ang natanggap ko. Masaya ako na sa series, nakatrabaho ko hindi lamang sina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales, but with the senior stars like Gina Alajar, Jackielou Blanco, Ayen Laurel, na ang sarap nilang kakuwentuhan sa set.”
Marami nang naitanong kay Bea tungkol sa bago niyang serye, pero ang gusto niyang mapanood ng audience ay ang memorable scene na ginawa nila ni Alden.
“Ito yung revelation scene kasi it’s the peak of the story. We shot it sa ulanan nang buong araw, from 5AM to 7PM, kaya dapat itong abangan ng ating mga viewers.”
After ng last two days pang taping ni Bea, nakahingi siya ng one month vacation sa GMA, at kasama ang family ay magbabakasyon sila sa Madrid, Spain para ayusin niya ang apartment na binili niya roon a few months ago.
(NORA V. CALDERON)
-
LRTA: Fare hike di minamadali
WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2. “The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare […]
-
90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023. Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang […]
-
Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor. Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility […]