• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hanga ang netizens sa pag-aalaga ng katawan… MAX, napagkakamalan na suplada sa pagganap na kontrabida

PINAPALAKPAKAN ang pagiging kontrabida ni Max Collins sa primetime series ng GMA na ‘My Guardian Alien.’

 

 

 

First time daw siyang mag-all out kontrabida at nae-enjoy niya ito. Nagkaroon tuloy siya ng image na pagiging suplada sa tunay na buhay.

 

 

 

“Ang pinakamalaking misconception tungkol sa akin ay suplada raw ako. If these people try to get to know me, di po ako suplada.

 

 

 

“Actually, mahiyain talaga ako. Pero kapag may nag-“hi” o gustong magpa-selfie with me, I welcome it po. Mabait po ako,” ngiti pa ni Max.

 

 

 

Hinahanggan din ng netizens ang pag-alaga ni Max sa kanyang katawan. Parang hindi raw siya nanay ng isang 3-year old na bata.

 

 

 

“Importante po sa akin ang fitness dahil maganda siya for my mental health. I didn’t workout naman para lang magpa-sexy or pumayat.

 

 

 

 

“I really worked out for my mental health so that I can take care of my baby, I feel better and healthier,” sey ni Max na parating may bikini post sa kanyang social media accounts.

 

 

 

***

 

 

 

HABANG wala pang bagong teleserye si Xian Lim, nasa Thailand ito at pinagkakaabalahan ang pagdirek niya ng isang horror film under Viva Films titled ‘Kuman Thong.’

 

 

 

Ayon kay Xian, ang Kuman Thong ay base sa isang Thai mythology tungkol sa stillborn fetus na pinaniniwalaang naghahatid ng swerte at proteksyon kapag inalagaang mabuti. Para raw itong Thai version ng pelikulang ‘Tiyanak.’

 

 

 

“It’s more of, back in the old days, ‘yung women na nanganak tapos walang buhay ‘yung baby, the monks would pray for the dead fetus and the spirits of the dead child around would inhabit that fetus.

 

 

 

“They would burn it, put gold leaf, which is Kuman Thong golden boy, ‘yun ang ibig sabihin n’ya,” sey ni Xian na noong March pa nagsimula sa post-production ng project.

 

 

 

Kasama rin ni Xian sa ginagawang pelikula ang girlfriend at Viva Films senior associate producer na si Iris Lee.

 

 

 

Kasama rin sa cast sina Cindy Miranda and Thai actor Max Nattapol Diloknawarit.

 

 

 

***

 

 

 

MULING rumampa ang mga A-list celebrities sa 2024 Met Gala na ginanap last May 6 sa Metropolitan Museum of Arts in New York.

 

 

 

Ang theme sa taong ito ay “Sleeping Beauties: Reawakening Fashion” at ang mga naging co-chair ni Anna Wintour this year ay sina two-time Emmy winner Zendaya, Jennifer Lopez, Bad Bunny at Marvel actor Chris Hemsworth.

 

 

 

The Met Gala 2024 is a fundraising benefit held every year on the first Monday in May. It feature approximately 250 items mula sa Costume Institute’s permanent collection from Schiaparelli, Dior, Givenchy, at marami pang iba.

 

 

 

Mga napiling best-dressed ng Met Gala ay sina Zendaya in Maison Margiela couture; Jennifer Lopez in custom Schiaparelli haute couture; Doja Cat in Vetements; Cardi B in Giambattista Valli; Lana Del Rey in custom Alexander McQueen; Gigi Hadid in Thom Browne; Greta Lee in Loewe; Naomi Campbell in custom Burberry; Demi Moore in custom Harris Reed and Nicole Kidman in Balenciaga.

 

 

 

Nag-perform sa event na may 450 guests ay sina Ariana Grande at Cynthia Erivo.

 

 

(RUEL J., MENDOZA)

Other News
  • Meron silang maiinit na mga eksena ni Polo: ROB, first time ma-encounter ang role na lover ng isang gay

    NAGBABALIK ang Team Jolly nila Sofia Pablo and Allen Ansay sa bagong offering ng #SparkleU titled ‘#Ghosted.’       This time ay hindi kilig-kiligan ang AlFia loveteam dahil sa tema ng episode na tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang student.       “Pinaghiwalay po kami ni Direk Barry […]

  • Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr

    NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.     Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate […]

  • COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds

    PINUNA  ng Commission on Audit (COA)  ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na  ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022.     “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon.     Ang lapsed […]