• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hangarin ni PBBM na ligtas, tahimik na pabahay, tinupad ng NHA

PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking ng Navotas Homes 5 Phase 2 nitong Nobyembre 22, 2024.

 

 

Matatagpuan sa Barangay Tanza, Navotas, binubuo ang proyekto ng tatlong low-rise buildings na magbibigay tirahan sa 180 na pamilya.

 

Bawat unit may sukat na 24 sqm. at kumpleto sa mga pangunahing pasilidad. Kasama rin sa itatayo sa lugar ang mga pasilidad katulad ng isang community center, terminal ng traysikel at police station.

 

Ang proyektong pabahay na ito ay bahagi ng plano ng Navotas na bigyan ng kalidad na tahanan ang natitirang 6,500 informal settler families (ISFs) sa lungsod na naninirahan sa mga mapanganib na lugar tulad ng mga daluyan ng tubig.

 

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Tai ang kahalagahan ng seremonya bilang bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng maayos na tirahan at pangmatagalang komunidad para sa mga Pilipino.

 

“Ang okasyon pong ito isang pagpapatunay ng aming parte at suporta para sa ikatatagumpay ng hangarin ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mabigyan ang ating mga kababayan ng ligtas na pabahay sa tahimik na komunidad,” sabi ni Tai.

 

Kasama sa programa sina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at North Sector Regional Manager Jovita G. Panopio.

 

Dumalo rin sa seremonya sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Roland Samuel T. Young, Navotas City Lone District Representative Tobias Tiangco, Mayor John Reynald M. Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez.

 

Sa kabuuan, inaasahang makikinabang ang 1,440 Navoteñong pamilya mula sa kabuuang 24 low-rise buildings na bahagi ng proyekto. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia

    BIGONG  madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.     Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall.     Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa […]

  • PDu30, nananatiling committed na tapusin ang ‘abusive’ work scheme

    NANANATILING masigasig at committed si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tapusin ang “abusive” o mapang-abuso na work arrangements sa bansa.     Ito’y matapos na magpahayag ng pagkadismaya si vice presidential aspirant Senate President Vicente Sotto III sa sinasabing pagkabigo ni Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang pangako na itigil ang “unfair contractualization practices” makaraang […]

  • Sinibak na sekyu, namaril at nang hostage, 1 sugatan

    SUGATAN ang nabaril na OIC ng security guard ng Virra Mall San Juan, Greenhills Shopping Center habang nasa 30 katao naman ang hawak na hostage ng suspek na nasa loob ng Admin office.   Nakilala ang suspek na si S/G Archie Paray na armado ng pistoling baril habang sugatan naman si OIC Ronald Velita na […]