Happy na muling makatrabaho si Jo Berry: NORA, hinay-hinay na sa pagtanggap ng movie dahil sa health
- Published on June 22, 2024
- by @peoplesbalita
TUMANGGAP si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.
Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang five-star hotel sa Pasay City.
“Pangalawa na ‘to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ‘yung una, sa Japan kaya hindi ako nakapunta kaya nangako ako dito na pupunta ako,” pahayag pa ng National Artist.
Aktibo sa taong ito si Ate Guy dahil bukod sa dalawang pelikula na natapos niya (“Pieta” at “Mananambal”) na ipapalabas na, airing na rin ang episode niya sa GMA Afternoon Prime series “Lilet Matias: Attorney-At-Law” kunsaan nag-reunite sila ng “Onanay” co-star niya na si Jo Berry.
Happy nga raw si Ate Guy sa nangyayari sa career ni Jo. Hindi raw ito nagbago kahit sikat na ito.
“Magaling pa rin, at saka mabait pa rin, bungisngis nang bungingis. Tungkol naman sa teleserye, okay naman, wala namang problema, natapos naman ako sa oras na sinabi nila. Maganda yung show.”
Umaasa ang mga modern-day Noranians na gumawa pa ito ng maraming pelikula. Pero ayon kay Ate Guy, hinay-hinay lang siya dahil na rin sa estado ng kalusugan niya.
“Pinag-iisipan pa kung anong istorya ‘yung babagay. Okay naman ako. Kaya lang minsan, dahil nga doon sa nakaraan na lagi akong na-o-ospital, pero ngayon okay naman ako, wala namang problema.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Direktor ng PDEA-NCR, sinibak dahil sa Taguig drug-bust
IPINAG-UTOS ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang pagsibak sa puwesto sa direktor ng PDEA-National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang mataas na opisyal ng tanggapan, dalawang ahente nito at isang driver, sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan. Sa isang pulong […]
-
NCR, mananatili pa rin sa Alert Level 1 classification – Malakanyang
MANANATILI pa rin sa Alert Level 1 classification ang buong National Capital Region (NCR) epektibo Mayo 1 hanggang Mayo 15, 2022. Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling manatili ang NCR sa nasabing alert level status. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, bukod sa […]
-
PBA papayagan na ang mga audience sa mga laro
PAPAYAGAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang panonood ng mga audience sa darating na Pebrero 16. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ito ang naging desisyon nila matapos na 100% na mga manlalaro nila ay bakunado na sa COVID-19. Aabot na rin sa 95 percent rin sa mga manlalaro […]