• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Happy na part ng pagiging Senador ni Robin: VINA, inalok din na mag-konsehal pero ’di sineryoso

PAHINGA raw muna ang puso ngayon ni Vina Morales.

 

Ayon sa actress/singer, “Relaxed lang, steady lang naman yung aking puso. I’m okay, I’m okay, I’m happy with whatever… kung ano’ng nasa position ko ngayon.”

 

Banggit pa namin kay Vina, kapansin-pansin na wala na siyang post tungkol sa kanila ng foreigner na si Andrew Kovalcin na unang napabalitang kasintahan niya Nobyembre ng nakaraang taon.

 

“Minsan talaga dumadating sa point na hindi ka na masyadong nagpo-post, tinanggal pala? Ha! Ha! Ha!”

 

Masasabi ba niya na ngayon ay sa kanyang career at sa anak niyang si Ceanna siya nakapokus?

 

Lahad ni Vina, “I would say I’m in a position that I am happy even I’m not seeing someone. Ayan na naman,” at muling tumawa si Vina.

 

“I always believe kasi pag hindi mo… hindi right person, it will never happen.

 

“Ayoko kasi… nasa point ako ngayon na ayokong ipilit, kasi nung kabataan maski nakikita mong may mga red flag, ipipilit mo pa rin hangga’t nasasaktan ka na.

 

“So ngayon nare-realize ko that if it’s not really meant for you, huwag mo na ipilit, because I know there’s always somebody right for us.

 

“Maybe it’s also not the right time dahil ako personally, hindi pa ako the right person for my partner, so I’m still in a process to be a better person.

 

“Kaya siguro hindi pa naibibigay sa akin, pero kasi ngayon ang priority ko is hindi…you know, a relationship.

 

“Priority ko is my daughter, Ceanna and yung trabaho pa rin, trabaho.

 

“Pero if there’s another chance na magkaroon ako to be in a relationship, bakit hindi?

 

“Pero hindi na yan yung main goal ko, kasi hindi mo masabi talaga kung kayo, o kung tatagal ba, o forever ba.

 

“Mahirap magsalita ngayon. Ako, I’m taking it one day at a time.”

 

Nabanggit namin ang isang taong dating malapit sa kanya, si Senator Robin Padilla.

 

“Oo naman, nangampanya ako doon,” pag-amin ni Vina.

 

Bulalas pa niya, “you know, during that time… alam naman ni Robin that every time he needs me, nandi-diyan naman ako, and vice versa.

 

“Iyon, I’m happy that he’s the number one senator, I’m glad na naging parte ako.”

 

At dahil nalalapit na muli ang eleksyon, tinanong namin si Vina kung umabot din siya sa puntong naisip pasukin ang pulitika?

 

“Honestly, na-offer sa akin yan before, as Councilor, pero hindi ko talaga ano e, I couldn’t see myself being in politics.

 

“Kasi parang para sa akin, napakalaking responsibility yan.

 

“I mean, I have a lot of responsibilities now as an actress or as a singer, as a performer, as an entrepreneur, pero pagdating sa kababayan natin, malaking responsibility yan, so I’d rather serve or help through my music or through shows or charity events, yung mga ganun.

 

“Pero wala, ibang klase yung nasa politics. So parang hindi ko napi-picture yung sarili ko na magiging isang pulitiko.”

 

Anyway concert pala si Vina, ang “The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert sa November 16 sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila (sa likod ng SM San Lazaro), sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo at mula sa VCSD Entertainment Productions.

 

Front act performers sina David Young at Nathan Randal (a Viva Artists Agency talent).

 

Special guests naman sa concert sina Dindo Fernandez, (dubbed as the “Soulful Balladeer”) at ang Crossover Diva na si Nin̈a Campos.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Other News
  • Ads July 20, 2023

  • TUPAD ORIENTATION IN BULACAN

    Governor Daniel R. Fernando with some of the 609 beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers in the province during the TUPAD Orientation as part of the Weeklong Celebration of Labor Day 2021 held at the Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan yesterday.     Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang […]

  • Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games

    SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala.     Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam.     Naisumite na nito ang […]