• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Happy na si Awra ang napiling co-host sa ‘Emojination’: MAJA, thankful and grateful sa APT sa pagtitiwala na maging game show host

HUMANDA nang paganahin ang inyong imahinasyon dahil mapapanood na ang bagong game show na tiyak kagigiliwan ng lahat, ang Emojination ng TV5!

 

 

Kasama ang APT Productions, hatid ng Kapatid Network ang fun and entertaining game show na ito gamit ang mga emojis na magsisimula na ngayong Mayo 14, 5:00 pm sa TV5 at mapapanood din sa Cignal TV at BuKo Channel.

 

 

Pinangungunahan nina “Emojesty” Maja Salvador at “Fezfriend” Awra Briguela, first game show of its kind ang Emojination dahil icha-challenge nito ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.

 

 

Sa Emojination, may dalawang teams na maglalaban sa loob ng tatlong rounds. Sa firstround na Pic-Per-Word’ magpapakita ng four emojis na nagde-describe ng isang mystery word at kailangan mahulaan ng mga players kung ano ang salitang ito.

 

 

Ang second round ay tinatawag na “Sabi Swabe”. Kailangan ma-identify ng mga contestants ang mga sikat na lines or phrases, na ipapakita sa pamamagitan ng mga emojis, para makapunta sa susunod na round.

 

 

Nasubukan ng invited press ang dalawang rounds, na tunay na nakakakaba at nakaaaliw na sagutin ang mga tanong na gamit ang iba’t-ibang emojis.

 

 

Ang third round naman ay ang “A Pair to Remember”, kung saan ang bawat team ay pakikitaan ng flip board na mayroong 20 emoji blocks at kailangan nilang tumakbo sa obstacle course hanggang ma-match nila ang nakakubling emoji pairs.

 

 

Ang team na makakukuha ng pinakamaraming “emoticoins” ang makararating sa jackpot round para sa tsansang manalo ng mas malaking premyo.

 

 

Ang Team na may maraming “Emoticoins” ay maaaring sumali sa Jackpot round na tinatawag na “Match Magaling” kung saan ang teamwork ng magka-partner ay masusubukan dahil huhulaan nila ang 5 mystery compound words sa loob lamang ng 3 minuto. Kapag nahulaan ay makukumpleto nila ang Jackpot round at maiuuwi ang
premyong na naghahalagang P50,000.

 

 

Anyway, kitang-kita agad ang chemistry sa pagho-host nina Maja at Awra, na matagal nang magkakilala at naging malapit sa isa’t-isa dahil pareho silang naging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

 

 

Inamin ni Maja na matagal na niyang alam na meron siyang game show na gagawin sa APT Entertainment, pero hindi niya kung sino ang magiging co-host niya. Last month lang niya nalaman na si Awra ang nakapasa at napili ng APT, kaya nagkagulatan na lang sila at sobra ring na-excite.

 

 

Super happy naman si Awra na muling makatrabaho ang kanyang Ate Maja. Na noong bata pa siya ay ala-alaga na siya at hanggang ngayon. Nakatutuwa pang kuwento niya, same ang shoe size nila, kaya ang suot-suot niya sa presscon ay hiniram niya kay Maja.

 

 

Nabanggit din ni Maja, na very thankful and grateful siya sa APT dahil this time, pinagkatiwalaan naman siya na mag-host ng isang game show at kasama nga si Awra. Kaya naman pinaghandaan niya at pinag-aral ang pagho-host. Base sa nakita namin, pasadong-pasado naman si Maja at swak na swak nga ang tandem nila ni Awra.

 

 

“Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

 

“We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend.”

 

 

Sumali na sa kasiyahang hatid ng mga emojis at manalo ng malalaking papremyo sa Emojination simula Mayo 14, 5PM sa TV5.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon, i-follow ang mga official social media pages ng TV5 at bisitahin ang kanilang website sa www.tv5.com.ph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 7 timbog sa sugal at droga sa Valenzuela

    PITONG katao, kabilang ang 47-anyos na ginang ang arestado ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation kung saan apat sa kanila ang nakuhanan ng shabu sa Valenzuela City.     Sa report ni PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers

    INAPRUBAHAN  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.    Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, […]

  • VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM

    NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay  “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.”     Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the […]