• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hard to tell yet- Herbosa

SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.

 

 

Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa Omicron variant ay umabot na sa peak nito at ngayon ay nasa downward trend.

 

 

“Mahirap magsabi na ito na nga yung pababa. Although negative nga at bumababa because of the past two days mabilis pa nga yung pagbaba, hindi pa rin tayo nagre-relax. We are still cautious,” ang sagot ni Herbosa.

 

 

Aniya, tinitingnan nila ang one-week average daily attack rate at growth rate para i- assess ang trend ng COVID-19 cases.

 

 

Sa kabila ng pagbaba ng infections, nagbabala si Herbosa sa posibilidad na ang napaulat na COVID-19 cases noong nakaraang linggo ay magsisimulang maranasan ang problema at komplikasyon at dalhin sa mga ospital.

 

 

Dahil dito, ang mga ospital ay naghahanda na para sa ganitong sitwasyon.

 

 

Araw ng Miyerkules, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang weekly growth rate ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay pumalo na sa -10%,  nagpapakita ng downward trajectory.

 

 

Idinagdag pa nito na ang reproduction number sa Kalakhang Maynila ay bumaba na sa 1.79 mula sa 2.07.

 

 

“The pattern is very similar to the South Africa experience of a rapid surge followed by a dramatic decrease in infections,” ayon kay David.

 

 

Hiniling nito sa publiko na huwag maging kampante at ipagpatuloy lamang na gawin ang basic health protocols. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Morales

    Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   “Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong […]

  • Malakanyang, hahayaan na umiral ang legal process sa mga kasong isinampa laban kay VP Sara

    HAHAYAAN ng Malakanyang na umiral ang legal process kaugnay sa grave threats at inciting to sedition charges laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi makikialam ang Malakanyang sa nagpapatuloy na criminal investigation. “We are aware of that, but we are going to let the process […]

  • Naungusan na ang movie nina Kathryn at Alden: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, hawak na ang ‘highest-grossing Filipino film of all time’

    ANG 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind, na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang may hawak na ng record bilang ‘highest-grossing Filipino film of all time’ in domestic box office sales, na kumita na ng P815 million as of January 17.     Ayon ito sa pinost ng Star Cinema sa […]