Harden at Rockets hindi umubra kina LeBron, Davis
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
Inilampaso ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunder, 120-102.
Ito na ang ikalawang panalo ng defending champion mula sa 11 laro ngayong season.
Ito rin ang ikaanim na panalo sa huling pitong mga laro.
Nagpakitang gilas naman si Anthony Davis sa muling pagbabalik na may 27 points habang si LeBron James ay nagdagdag ng 18.
Noong Sabado ay hindi nakalaro si Davis.
Umabot pa sa 27 ang kalamangan ng Lakers at halos napanatili ang double digit lead sa buong game.
Sa panig ng Rockets (3-5) sina Christian Wood ay may 23 points habang si James Harden ay nag-ambag naman ng 20.
Hindi lamang sa opensa naging manit ang dalawang koponan kundi maging sa pisikalan na laro.
Umabot sa limang technical fouls ang naitawag ng mga referee, kabilang na ang dalawang flagrant fouls at sa first-half ejections nina Markieff Morris at DeMarcus Cousins.
-
METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?
Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor […]
-
World Dragon Boat hahataw na sa Palawan
AARANGKADA na ngayong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan. Pinakamalaki ang delegasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries. […]
-
KO win target ni Pacquiao
Puntirya ni eight-division world champion Manny Pacquiao na masikwat ang matikas na knockout win kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan sa Linggo (oras sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. Matagal-tagal na ring hindi nakakakuha ng KO win si Pacquiao na ang huli ay noon […]