Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season.
Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon.
Ito ay bukod pa sa three-year, $133-million na nananatili sa kanyang kontrata sa Houston.
Sinasabing kung sakaling tinanggap ng Rockets guard ang alok ng koponan, siya na ang tatanghalin na kauna-unahang player sa kasaysayan ng NBA na kikita ng $50-million kada taon.
Sa halip, determinado raw si Harden na mapuwersa ang Houston na i-trade na ito sa Brooklyn Nets, kung saan pwede itong bumuo ng superteam kasama sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Sa ngayon, may inisyal na raw na pag-uusap ang Rockets at Nets ngunit wala pang nangyayaring masinsinang usapan sa pagitan ng dalawang koponan.
Wala pa rin aniyang nakikitang indikasyon ang Houston na posibleng ibigay ng Brooklyn kapalit ni Harden, na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang panig.
-
Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’
MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina. May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang […]
-
Ads June 19, 2024
-
Conor McGregor ceremonial pitch sa Major Baseball League, umani nang katatawanan
Umani nang sari-saring reaksiyon ang ginawa ni dating UFC two-division champion Conor McGregor sa kanyang ceremonial first pitch sa isang Major League Baseball. Nang ibato kasi ni McGregor ang baseball sa catcher, namali ang kanyang puntirya na napakataas. Naganap ang event sa bago ang laro ng Chicago Cubs sa Minnesota Twins […]