Health Centers sa Maynila, bubuksan para sa bakunahan
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
Bubuksan na rin at gagamitin ang mga barangay health centers sa Maynila para sa ‘vaccination drive’ upang mas maabot umano ang mga hindi pa nababakunahan na residente.
Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno kahapon dahil sa ‘saturated’ na umano ang bakunahan sa Maynila at kakaunti na lamang ang hindi natuturukan.
“Kakaunti na lang ang ‘di nababakunahan. Simula bukas pati mga health centers natin bubuksan na para iyong hindi pa, malapit na sila sa kanilang bahay,” ayon sa alkalde.
Sa pinakahuling datos ng Manila Health Department niotng Agosto 26, nasa 1,226,974 indibiduwal sa 1,351,487 populasyon na tinukoy ng Department of Health, ang nabakunahan na.
Sa naturang bilang ng nabakunahan, nasa 766,418 ang ‘fully vaccinated’ na. May kabuuang 1,954,585 doses ng bakuna naman ang naiturok na sa Maynila.
Samantala, naitala sa 71% ang occupancy rate ng COVID-19 beds sa anim na district hospital sa Maynila. Pinakamataas dito ang Gat. Andres Bonifacio Hospital na may 104% occupancy rate, kasunod ang Ospital ng Sampaloc na may 98% at Ospital ng Tondo na may 83%.
Mababa naman ang occupancy rate ng mga COVID-19 quarantine facilities sa siyudad na naitala sa 21%.
-
Ads May 5, 2022
-
US tennis star Coco Gauff hindi makakapaglaro sa Olympics matapos magpositibo sa COVID-19
Hindi na makakapaglaro sa Tokyo Olympics si American tennis player Coco Gauff matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19. Ayon sa 17-anyos na US tennis player na labis ito ng nadismaya matapos na malaman na positibo ito sa nasabing virus. Matagal aniya na pangarap niyang maglaro sa Olympics subalit hindi na […]
-
Asawa ni dating Palace spox Harry Roque, wala na sa Pinas- BI
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), araw ng Martes na ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque Jr. na si Mylah Roque ay wala sa Pilipinas. Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Mrs. Roque patungong Singapore noong Sept. 3. “Her lookout bulletin was […]