HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts.
Importante rin ang opinyon ng mga ekonomista para nang sa ganun ay makasulong ang ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalusugan ng bawa isa. Isang sektor na kailangan ang gabay ng medical experts ay ang public transportation. Mahalaga ang mobility ng tao sa ekonomiya pero dito rin mataas ang risk ng hawaan.
Marami kasing polisiya sa transportasyon ang kwestyonable kung kailangan ba o hindi. Nais natin ng mga kasagutan ng mga medical experts sa mga sumusunod na tanong:
- Kailangan ba ang “barrier” sa pagitan ng rider at angkas nito. Ininsulto ng DILG Secretary na motorcycle experts lang ang nagsasabing delikado ito samantalang heneral sya. So tanungin natin ang mga doktor tungkol dito?
- Ligtas ba ang mga tradisyonal na jeepneys. Ano ang mas ligtas na sakyan, yung naka-aircon o open air tulad ng jeep?
- Ang 50 percent reduced capacity ba sa mga pampublikong sasakyan ay pwede naman na basta naka mask ang mga pasahero at walang overloading sa bawat byahe?
- Gaano kailangan o gaano ka kritikal ang cashless transaction sa pamasahe sa pampublikong sasakyan?
- Ang face shield ba ay kailangan pa maliban sa face mask para sa mga pasahero?
- May koneksyon ba sa pagpigil ng hawaan ng COVID-19 ang pagbago o pagputol ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan?
- Kung pinayagan na mag backriding sa private motorcycles ang mga nagtatrabaho at mga persons authorized outside their residence, pwede na rin ba ang backriding sa tricycles at motorcycle taxis.
- Ang paglalagay ba ng mga harang sa kalye ay kailangan?
Marahil ay marami pang nais itanong ang mga taga transport sector sa mga medical experts upang maliwanagan ang mga motorista at mga tao sa kalye at para naman maging angkop ang mga polisiya na ipinatutupad sa public transportation.
Sa ganitong paraan ay mas gagaan ang pagkilos at mas ligtas ang mga pasahero at mga drivers sa araw araw at mapagsisilbihan nila ng mas epektibo ang mga pasahero at ang publiko.
Mahirap ang mga ‘tsamba-tsamba’ at may ibang pakay maliban sa kaligtasan dahil napagsususpetsahan na ginagamit lamang ang pandemya upang magpatupad ng polisiyang wala namang koneksyon sa problema sa kalusugan. At kapag may sagot na ang mga medical experts sa mga tanong na ito, sana ay pakingan naman sila ng gobyerno. (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
‘The Apprentice’ sa ONE, inilunsad; Closed-door fight, kasado na
INILUNSAD ng ONE Championship, nangungunang MMA promotion sa Asya, ang ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’. Sa basbas ng MGM Television, itatampok sa ‘The Apprentice’ ang 16 na kalahok na sasabak sa ‘high-stakes game of business competitions and physical challenges’ kung saan naghihintay ang US$250,000 job offer sa ilalim ng opisina ni Chatri Sityodtong sa […]
-
8 biktima ng Human Trafficking sa Israel, ni -rescue
SA kabila ng nagaganap na krisis sa Israel, na-rescue ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng human trafficking n ani-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa. Ayon sa Bureau of Immigrations (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates […]
-
Bulacan, nakapagbakuna ng higit 5 milyong doses ng bakuna kontra COVID
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang 5,240,671 doses ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang una at ikalawang dosis, single doses, at booster shots noong Abril 17, 2022. Ayon sa covid19updates.bulacan.gov.ph website, 2,281,195 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 2,418,385 naman ang tumanggap ng kanilang unang doses. Tinatayang 75.68% ng […]