HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.
Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City.
Hawak naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si Danny Pueyo Cabilitasan, 43, ng 115 Northbay Boulevard, Navotas City .
Minamaneho umano nito ang trak na may plakang NUY 936 nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmena Hi-way malapit sa kanto ng Pres. Quirino Avenue habang sakay naman ng Honda Click ang mga biktima.
Kapwa umano binabagtas ng rider at trak ang Northbound lane ng Osmena Hi-way nang pagsapit sa bahagi ng nasabing lugar nang iwasan ng rider ang plastic barrier.
Dito na aksidenteng dumulas ang minamanehong motorsiklo sa kalsada dahilan naman para makaladkad ng kanang bahagi ng gulong ng container tractor head .
Agad naman dinala sa Philippine General Hospital o PGH ang mga biktima habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property with serious physical injuries. (GENE ADSUARA)
-
slotomania Slots Vegas On Line Casino App Stored
slotomania Slots Vegas On Line Casino App Storeda En İyi Slot Oyunları Ücretsiz On Line Casino Oyunları Content Torofun’da Arkadaşlarınla Online Casino Oyunları Oyna Türk Online Casinolar Neden Ücretsiz Çevrimiçi Slotlarımızı Oynamalısınız? Casino Simulator İndir” Online Casino Hırvatistan – Seçimimiz Durante İyi 3 Casino Ücretsiz Online Rulet Canlı Sohbetle Etkileşim “gametwist Oyunları Casino’da Iyi Eğlenceler Admiral […]
-
Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan
PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa. “Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. […]
-
2 HULI SA AKTONG BUMABATAK NG SHABU SA NAVOTAS
HIMAS-REHAS ang dalawang binata matapos maaktuhan ng mga tauahan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kubo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern NCR MARPSTA Chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong mga suspek bilang sina Ricardo Bueno, 47, fisherman ng Blk 1 Lot 39 Squater Area […]