• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, ‘di napigilang magpaka-fangirl kay senatorial candidate CHEL DIOKNO

HINDI napigilan ng aktres na si Heart Evangelista ang sarili na magpaka-fangirl kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno nang magkita sila sa Sorsogon kamakailan.

 

 

Nag-post si Evangelista sa Twitter ng larawan ng kanilang pagkikita ni Diokno nang bumisita ang huli sa lalawigan para mangampanya.

 

 

“I’m kilig. fan mode @ChelDiokno good luck po,” tweet ni Evangelista.

 

 

Bilang tugon, sinabi ni Diokno na siya ang nag-fanboy nang makaharap si Evangelista.

 

 

“Ako po talaga yung totoong nagfanboy. It was so nice meet you, @heart021485!” sagot ni Diokno sa Twitter.

 

 

Binati rin ng human rights lawyer si Heart, na magdiriwang ng kanyang kaarawan noong Lunes (Feb. 14).

 

 

Nagkaroon din ng ‘fanboy’ moment si Diokno sa pagratsada ng kampanya sa Naga City kung saan nakaharap niya ang ilang artista at mga singer, gaya nina Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro, The Company at Rivermaya.

 

 

***

 

 

MAS matindi ang dating ng last three episodes ng controversial series na Love at the End of the World, which had a press preview on Tuesday morning sa Cinema 76, Anonas Center.

 

 

Present ang ilan sa cast members ng series na dinirek ni Mark Shandii Bacolod who revealed sa interview na after niya na mapanood ang original Scorpio Nights movie directed by the late Peque Gallaga ay sinabi niya sa kanyang sarili na magdidirek din siya ng pelikula someday.

 

 

Hindi sa acting may tagisan ang cast members kundi pati sa hubaran. May shock factor ang ending ng movie kung saan makikita ang mga artista in various state of undress while indulging in sex.

 

 

Sabi nga ni Shandii, hindi tama na tawagin na BL series ang Love at the End of the World dahil ibang-iba ito kung ikukumpara sa BL na Gameboys at Hello Stranger, na very light romance ang dating. It is a different kind of gay love story.

 

 

Pero ang Love at the End of the World ay pag-iisipin ka after watching it dahil sa tinatalakay nitong issues about suicide, gay love, acceptance, and drug addiction, among others.

 

 

No wonder, the movie got mixed reviews pero maraming positive comments sa Twitter. Kaya naman sobrang happy si Shandii at ang kanyang fabulous cast.

 

 

But wait, there’s more dahil nakatakdang magkaroon ng sequel ang pinag-uusapang pelikula sa Twitter world. At may kasunod pa kasi trilogy ito, ayon kay Shandii.

 

 

“The story is inspired by real people in my life,” say ni Shandii, who revealed he was a victim of sexual molestation when he was young.

 

 

Hindi rin agad natanggap ng kanyang ina na he is a gay kaya bahagi ito ng struggle ng buhay niya.

 

 

Pero ngayon ay bati na sila ng kanyang ina after having a gap for so many years. They are now the best of friends.

 

 

Congrats sa cast namely Rex Lantano, Kristoff Garcia, Mike Liwag, Gold Azeron, Nico Locco, Yam Mercado, Elijah Filamor, Markki Stroem, Khalid Ruiz and Ms. Irma Adlawan in a very special role.

 

 

Love at the End of the World streams at Gagaoolala at 12 midnight Thursday.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro

    INILUNSAD  ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng  SSS.     Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para […]

  • Maraming Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey

    MARAMING  Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey     Mayroong 51 percent sa mga lumahok sa survey ng Social Weather Station (SWS) ang umaasa na matatapos na ang COVID-19 crisis ngayong taong 2022.     Lumabas sa survey na 45 percent ang umaasa na hindi pa matatapos ngayong 2022. […]

  • Ads May 17, 2024