Heart, excited na sorpresang once-a-week romantic drama
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
SA Balesin Island Club sa Polilio, Quezon nagpalipas ng New Year ang Escudero Family, si Sorsogon Governor Chiz, ang wife niyang si Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista at ang twins niyang sina Quino at Chessi.
Mahal ng mag-asawang Chiz at Heart ang Balesin Island, dahil kung matatandaan, doon ginawa ang grand wedding nila na Senator pa noon si Gov. Chiz, at ni Heart in 2015.
Sa Instagram niya, sinulat ni Heart ang, “Welcoming the new year with the ones who mean the most to me. This year didn’t turn out how we hoped it would, but still, we are so grateful that we are healthy and strong. This year gave us a chance to reflect and remember what matters most: family and love. Cheers to a brand new year filled with experiences, challenges, and opportunities for growth. I’m so excited for what 2021 will hold.”
At sorpresa nga ni Heart sa kanyang mga fans ang once-a-week na sweeping romance drama na gagawin niya sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon.
Tamang-tama naman na matatapos na ang replay ng kanyang My Korean Jagiya na napapanood sa GMA telebabad gabi-gabi after ng Love of my Life.
Story ito ng isang fashion socialite, na babalik sa kanyang probinsiya, at muling mapapalapit sa kanyang pamilya, sa kanyang community at sa dating boyfriend niya.
Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Heart ang excitement niya sa bagong show, “yes for my upcoming teleserye – “I Left My Heart in Sorsogon” – you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”
At excited na rin ang mga fans ni Heart kung sino ang makakatambal niya sa weekly series, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon.
***
NAKABIBILIB si Kapuso host Iya Villania-Arellano, dahil daily ay napapanood siya sa “Chika Minute” ng 24 Oras at 6:30PM, at may daily morning show pa sila ni Camille Prats, ang Mars.
At ngayong Friday, January 8, si Iya ang napiling host sa bagong morning show ng GMA Network at Ajinomoto na “Eat Well, Live Well, Stay Well.”
Makakasama niya ang bagong Kapuso actor, si Chef Jose Sarasola.
***
TULOY na at magsisimula na ring mapanood si bagong Kapuso actor Richard Yap at excited na rin siyang ipapanood sa kanyang mga fans ang pagganap niya sa naiibang role sa bagong genre, na iba sa mga nagawa na niya, ang drama.
Kaya kaabang-abang ang kanyang unang paglabas sa comedy anthology na Dear Uge sa Sunday, January 10, after ng Wagas, 2:45PM, sa GMA-7.
Ipinasilip na ni Eugene sa kanyang Instagram ang ilang eksena nila ni Richard: “Our very first fresh episode for 2021, with Richard Yap! Abangan this Sunday sa “DearUgePresents Jing, Ang Bato!”
Bubuuin ni Richard ang inyong Linggo dahil kinagabihan ay siya ang special guest nina Boobay at Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na isa rin sa mga genre na gusto niyang masubukan.
Mapapanood sila pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
-
Wish ni PBBM, koronasyon ni King Charles makapagdadala ng kapayapaan kasaganaan at progreso sa UK, Commonwealth
WISH ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa United Kingdom at Commonwealth. Si Pangulong Marcos ay kabilang sa mga heads of states na dumalo sa koronasyon ni King Charles III at Kanyang Kamahalan Queen Camilla sa Westminster Abbey […]
-
Huling quarterfinals slot hinablot ng E-Painters
KASABAY ng panalo ng Rain or Shine ay ang tuluyan nang pagkakabuo sa eight-team quarterfinal round. Nakahugot ng inspiradong laro mula kay James Yap, pinabagsak ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga, 80-74, para ibulsa ang No. 8 ticket sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, […]
-
Revised rules para sa “Green Lanes”, inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Huwebes, Hulyo 22, 2021, ang revised rules para sa “Green Lanes”. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine. […]