Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.
Inanunsyo ng aktres sa kaniyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay.
“I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”
*****
BAGO pa man siya manalong grand champion ng ‘The Clash’ Season 2, matagal nang pinapangarap ng Kapuso performer na si Jeremiah Tiangco ang umawit sa Christmas Station ID ng GMA Network.
Kaya naman umaapaw ang saya niya nang sa wakas ay natupad na niya ito sa “Isang Puso Ngayong Pasko.”
Nakasama ni Jeremiah sa pagkanta rito ang The Clash judges at hosts na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Golden Cañedo, at iba pang The Clash alumni.
Sa isang Instagram post, inihayag ni Jeremiah ang kanyang pasasalamat.
“Thank you @gmanetwork @artistcenter for this wonderful experience. Parang dati pinapangarap ko lang na makasama sa isang Station ID. Dati, pinapraktis ko lang songs nila para gamitin sa caroling. Hahaha! Ngayon totoo na talaga ‘to!”
Kasalukuyang napapanood si Jeremiah sa weekend variety show na All-Out Sundays. Mapapakinggan din ang kaniyang first-ever single under GMA Music na ’Titulo’ sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.
*****
PITONG pelikula mula sa GMA Network ay muling mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival mula November 20 to December 13.
Ang naturang online film festival ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa Main Feature Film Showcase, 90 full-length features under 12 categories: Premium, Classics, Documentary, Romance, Youth and Family, Genre, From the Regions, Pang-Oscars, Tribute, Bahaghari, PPP Retro, and Special Feature.
Ipapalabas ang Moments of Love nina Dingdong Dantes at Iza Calzado; Family History nina Michael V. at Dawn Zulueta; Jose Rizal ni Cesar Montano; Saranggola with Ricky Davao; Sa Pusod Ng Dagat starring Jomari Yllana, Chin-Chin Gutierrez and Elizabeth Oropesa; Deathrow with Cogie Domingo and the late Eddie Garcia; and Muro- Ami starring Cesar Montano.
These movies are offered by PPP to paid subscribers through their scheduled livestream screenings in four virtual cinemas in the FDCP Channel online.
To register and secure a slot, visit FDCP Channel’s website: https://fdcpchannel.ph/ and check GMA Network’s social media pages for updates. (RUEL J. MENDOZA)
-
Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga […]
-
Ads December 8, 2021
-
PBBM, iniabot ang mahigit sa P50-M CALAMITY AID sa CATANDUANES PROVINCIAL GOV’T
INIABOT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mahigit sa P50 million sa provincial government ng Catanduanes para sa agarang pagbawi mula sa epekto ng Super Typhoon Pepito. Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa agarang probisyon ng ‘relief goods, shelter assistance, at restorasyon ng komunikasyon at power […]