HEART, pinatulan ang netizen na nagtanong kung bakit palagi siyang naka-bra
- Published on October 1, 2021
- by @peoplesbalita
PINATULAN ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumuna sa kanyang Instagram post kunsaan, nag-post si Heart na naka-bra lang at naka-denim pants.
Kinukuwestiyon ng netizen si Heart at sa suot niya.
Sabi nito, “Bakit lagi ka na lang naka bra ngayun?”
Sinagot ito ni Heart na, “ayy hindi ka mahilig mag bra?? Good for you.”
Pinuri naman si Heart ng ibang netizens sa naging reaksiyon niya. Sabi ng mga ito, “perfect response!”
“mahal ‘yung bra niya eh paki mo ba kung gusto niyang ipakita.”
“such classy reply love it.”
Marami naman ang humahanga sa katawan ni Heart ngayon at may mga nag-comment na “ayoko na talagang mag-rice.” “sana all.”
***
NGAYONG Sabado na ang pilot episode at pagbabalik ng isa sa masasabing successful singing competition sa telebisyon, ang all-original na The Clash ng GMA-7 na nasa season 4 na ngayon.
Halos iisa ang sagot ng mga hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela at ang mga The Clash Judges na sina Christian Bautista, Lani Misalucha at AiAi delas Alas.
At sabi nga ni AiAi, “Siguro ang The Clash ay hudyat na ito ay isang regalo mula sa Panginoon. Na tayo ay merong trabaho, hindi lang tayo lahat ng mga contestants.
“At tama si Oppa friend (Christian), thank you sa aming mga bosses, lahat ng staff na maka-create na talagang original content, Filipino na hindi natin binili sa banyaga, original made ng Filipino.
“And yearly, kasama po ako at kami dito sa show na ‘to. Meaning, yearly until merong The Clash, meron kaming trabaho.”
Obvious naman na napamahal na talaga kay AiAi ang The Clash dahil nagbitiw na ito ng salita na tipong sa plano niya ngayon na mag-stay muna sa America kunsaan, nandoon ang kanyang mister na si Gerald Sibayan at about time na rin daw na ayusin niya ang kanyang green card, tila kapag The Clash ay uuwian niya talaga at hindi puwedeng hindi niya gawin.
Baka nga after ng show, magpu-fulltime muna si AiAi bilang misis sa kanyang mister sa U.S. Hindi rin niya itinanggi ang planong magpapa-surrogacy sila para magkaroon ng sariling anak.
“Minsan sa buhay natin, may priority ka rin. Although babalik naman ako rito dahil ang nanay ko, matanda na. Bibisitahin ko. Kaya lang siyempre, ngayon pa lang ako na may asawa. “Na ang priority ko, si Gerard. Bukod sa ipi-petition ko siya, kailangan niya rin ako do’n. Susme, bakit pa kami nag-asawa
“At ngayon ko lang din bubunuin ang green card ko. Binigyan ako ng Panginoon na magka-green card, so aayusin ko ‘yun.”
At pagdating sa surrogacy nga, sinabi ni AiAi na, “Oo, lahat ‘yan planado na sa mga gagawin namin sa America. Prayers lang at everyday hope na lahat ‘to, magiging maganda.”
***
DAHIL mukhang matagal na mase-shelve ang Love. Die. Repeat dahil sa kondisyon na meron ngayon si Jennylyn Mercado, naalala namin agad, bukod kay Xian Lim na first project niya ito sa Kapuso network ay si Myrtle Sarrosa na talagang na-excite nang siya ang ipinalit kay Kim Domingo.
Nasabi pa ni Myrtle na “dream project” niya raw ito. Kaso, ‘yun lang, masasabing apektado siya at iba pang cast at production dahil stop taping muna nga raw ng matagal.
Hindi naman ikinaila ni Myrtle na medyo heartbroken siya na hindi muna matutuloy ang serye nila, pero hoping naman daw ito na matututuloy pa rin.
Sey pa niya, “I really hope that matutuloy pa rin or if this door closes, another better opportunity opens.”
At sabi niya rin, ang mahalaga raw sa lahat ay maayos ang kalagayan ni Jennylyn.
(ROSE GARCIA)
-
P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado
MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023. Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Sa pagsisimula […]
-
Taas-presyo ng produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE
PINAGHAHANDA ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo. Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong […]
-
DE CASTRO, NANUMPA SA AKSIYON DEMOKRATIKO
NANUMPA na rin bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at announcer Noli de Castro. Pinangunahan naman ang oath taking ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections. Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si […]