HEART, tuloy ang art collaboration sa frontman ng ‘Incubus’ na si BRANDON BOYD
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
CLOSE to 1 million views na ang pinost ni Heart Evangelista-Escudero na video na nag-a la Audrey Hepburn siya sa tapat ng Tiffany’s in New York.
Ginaya ni Heart ang iconic scene ni Hepburn as Holly Golightly sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s with matching black dress, pearl necklace, gloves, sunglasses at ang theme song na “Moon River” sa background.
Ang bumenta sa netizens ay umiinom si Heart ng kape, pero hindi sa isang paper cup kundi sa bote mismo ng kapeng ini-endorse niya!
Tuloy ang rampa ni Heart sa NYC at kelan lang ay nakipagkita siya sa frontman ng Incubus na si Brandon Boyd para sa magiging art collaboration nila.
May gagawin sina Heart at Brandon na gallery kunsaan idi-display ang kanilang creations. Kabilang pala si Heart sa na-feature sa Moonlight Arts Collective dahil sa kanyang hand-painted signature bags at paintings.
***
NAG-OFFER na bilhin ng The Flight Attendant and The Big Bang Theory star na si Kaley Cuoco ang kabayong sinuntok ng kanyang rider sa nakaraang Tokyo Olympics.
Nadurog daw ang puso ni Cuoco noong mapanood niya ang August 6 competition ng German modern pentathlon at kung paano raw sinuntok ng rider na si Annika Schleu ang sinasakyang kabayo na ang pangalan at Saint Boy.
“I feel it’s my duty and heart to comment on this disgrace. This is not Olympic show jumping. This is a disgusting, classless, abusive representation of our sport in so many ways. This team should be ashamed of themselves,” talak ni Cuoco sa kanyang pinost na Instagram Stories.
Patuloy pa ni Cuoco: “You and your team did not do your country proud or this sport. You make us look bad. Shame on you and godspeed to any animal that comes in contact with you. Pure classless behavior right here. Disgusting on all levels. This is not our sport. This does not represent our sport. This rider and her ‘trainer’ are a disgrace.”
Hindi raw nagbibiro ang aktres nang sabihin niyang bibilhin niya ang naturang kabayo.
“I’ll buy that horse outright and show it the life it should have. Name your price!” patuloy na talak ni Cuoco na isang esquestrian and animal lover.
***
ISANG freak car accident ang nangyari sa dating Kapuso actor na si Steven Silva sa Sacramento, California.
Ayon sa post ni Steven sa Facebook at Instagram noong August 17, ligtas siya naturang aksidente. Pero ang minamaneho niyang SUV na Nissan Rouge ay totally damage sa driver’s side.
Isang milagro nga raw na buhay siya para ikuwento ang “scariest moment” ng buhay niya.
Heto ang post niya sa Facebook:
“Oh Sacramento, sometimes you make it really difficult to love you.
“I’m beyond thankful that we were able walk away from this accident relatively unharmed, just bruises and cuts. Not going to lie though, this was one of the scariest moments of my life and could’ve been way worse. If you know me, I drive like a grandpa but sometimes you can do everything right and bad things still happen to you. Be careful out there, friends.”
Noong sinubukan naming tanungin si Steven tungkol sa aksidente sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, heto ang pinadala niyang sagot sa amin:
“Okay naman kami, may mga pasa at sugat lang. But we’re thankful because it could’ve been way worse.”
Si Steven ang tinanghal na Ultimate Male Survivor ng reality artista-search ng GMA na Starstruck 5 in 2010.
Ka-batch niya sina Sarah Lahbati, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Diva Montelaba at Sef Cadayona.
Noong 2016 pa nagtapos ang kontrata ni Steven with GMA Artist Center. Huli siyang napanood sa teleserye na Akin Pa Rin Ang Bukas noong 2013.
Naging freelancer si Steven ng ilang taon hanggang sa magdesisyon itong bumalik sa California for good last year para makasama ang pamilya noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.
May sariling podcast si Steven na The Dumb Things Podcast.
(RUEL MENDOZA)
-
Ads October 21, 2023
-
Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang
WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility. “Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na […]
-
Navigating Corporate Social Responsibility: A Balanced Approach
Corporate Social Responsibility (CSR) is more than just business philanthropy. More than a strategic approach that businesses adopt to ensure a positive impact on society, it shows that behind every business are humans that embody an organization’s values and objectives. This blog explores the multifaceted concept of CSR, delving into its historical evolution, the business […]