Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa bukod sa COVID-19, mapanganib rin ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke.
Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng publiko ang ‘sunburn,’ mga sakit sa balat, ‘heat cramps,’ at ‘heat exhaustion.’
Hindi umano dapat balewalain ng publiko ang epekto sa kalusugan ng sobrang init na maaaring magdulot ng mas matindi pang mga karamdaman.
Dapat iwasang lumabas ng bahay sa pagitan ng mga oras mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon na may pinakamainit na temparatura sa isang araw. Dapat din na palagian ang pag-inom ng tubig para maiwasan ang dehydration.
Nitong Mayo 12, 2021, ang Sangley Point sa Cavite ay nakapagtala ng maximum heat index na 46 degree Celsius, samantalang sa Ambulong, Batangas ay nakapagtala ng 42 °C.
-
Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko
MULING nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko. Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat […]
-
Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India. Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo. Nangunguna pa rin sa Group B […]
-
Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte
TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.” Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department […]