Height requirement ng mga ahensyang pang-seguridad, aprubado na
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committtee on Public Order and Safety ang ulat ng komite sa substitute bill na naglalayong babaan ang minimum height requirement.
Gayundin ang pag-alis sa pagpapaubaya sa sukat ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).
Ang substitute bill ay inaprubahan ng komite matapos itong sumailalaim sa mga amyenda noong nakaraang pagdinig.
Sinimulan ding talakayin ng komite ang substitute bill sa HB 2247, HB 3065 at HB 7734 na naglalayong palakasin ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Ang panukala ay naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa ilalim ng RA 8551, o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.
Sinuspindi ng komite ang deliberasyon sa substitute bill habang hinihintay ang pagsusumite ng mga komento at suhestyon mula sa IAS, PNP at NAPOLCOM, upang ganap nang maisama sa pinal na bersyon ng panukala.
(ARA ROMERO)
-
Ads October 7, 2023
-
Japan, inanunsyo ang bagong P275-M funding para sa WPS agenda sa BARMM
POPONDOHAN ng Japanese government ang JPY724-million (P275 million) project na makatutulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihan at gender-based violence sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa paglagda sa ‘exchange of notes’ sa proyekto, sinabi ni Japanese Ambassador Endo Kazuya, nagbigay ng hudyat sa inisyatibang patuloy na pagsuporta ng Tokyo sa […]
-
Dahil ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal: ANGELICA, palagi na lang napapaiyak sa natatanggap kay JUDY ANN
ASTIG ang dating ng bagong tattoo ni Nadine Lustre. Isang malaki-laki rin na dragon ang pina-tattoo niya sa kanyang back right shoulder and upper arm. Tingin namin, ito na ang pinaka-malaking tattoo na ipinagawa ni Nadine sa kanyang balat. At umaani naman ito ng mga fire emojis at papuri mula sa […]