Height requirement ng mga ahensyang pang-seguridad, aprubado na
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committtee on Public Order and Safety ang ulat ng komite sa substitute bill na naglalayong babaan ang minimum height requirement.
Gayundin ang pag-alis sa pagpapaubaya sa sukat ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).
Ang substitute bill ay inaprubahan ng komite matapos itong sumailalaim sa mga amyenda noong nakaraang pagdinig.
Sinimulan ding talakayin ng komite ang substitute bill sa HB 2247, HB 3065 at HB 7734 na naglalayong palakasin ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Ang panukala ay naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa ilalim ng RA 8551, o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.
Sinuspindi ng komite ang deliberasyon sa substitute bill habang hinihintay ang pagsusumite ng mga komento at suhestyon mula sa IAS, PNP at NAPOLCOM, upang ganap nang maisama sa pinal na bersyon ng panukala.
(ARA ROMERO)
-
Bukod sa launching ng kanyang ‘Love Local’ series… Sen. IMEE, aalamin ang mga sikreto ni BORGY sa exclusive and must-watch vlog
ISA na namang kapana-panabik na bonding session kasama si Senator Imee Marcos dahil sasalubungin niya ang buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng dalawang bagong vlog entries na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel. Sa araw na ito, Setyembre 2, opisyal na ilulunsad ni Sen. Imee ang pilot episode ng kanyang ‘Love Local’ series, […]
-
LTFRB: Naglalagay ng “mystery passengers” sa mga PUVs
NAGLALAGAY ng “mystery passengers” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan upang matutukan mabuti ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr). Sa isang memorandum na nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila […]
-
Higit 100 illegal POGOs tuloy operasyon — PAOCC
NAMAMAYAGPAG pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala ng operasyon nito bago matapos ang 2024. Namamayagpag pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na […]