• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Help protect free election, democracy

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng media araw ng Huwebes na tumulong na tiyakin ang pagsasagawa ng malinis, tapat at transparent midterm elections sa susunod na taon at bantayan ang demokrasya ng bansa.
Sa pagsasalita sa 50th Top Level Management Conference (TLMC) na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster the Pilipinas (KBP) sa Tagaytay City, muling inulit ni Pangulong Marcos ang commitment nito na protektahan ang mga mamamahayag, ibinahagi ang layunin ng summit na pagbuo ng tiwala at pagbabantay sa demokrasya ng Pilipinas.
“I urge you to remain steadfast in these principles that protect the trust bestowed to all of us by the Filipino people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Binigyang diin ang kahalagahan ng partnership ng KBP sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para makatulong na i-promote at siguraduhin ang malinis, tapat at transparent na 2025 elections.
“Let us also explore new and creative ways to engage and inspire the public. We need a citizenry that is not only informed but is also actively involved—vigilant, ready to defend the values that we hold dear,” anito.
Samantala, sa pagre-renew naman ng commitment sa KBP para protektahan ang karapatan at kapakanan ng media practitioners, sinabi ni Pangulong Marcos na pinalakas ng gobyerno ang paninindigan nito na pangalagaan ang buhay ng media personnel at practitioners sa ilalim ng kapangyarihan ng bagong appointed head ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) na si Executive Director Jose A. Torres.
Inatasan ni Pangulong Marcos ang PTFOMS, kung saan ang chairman ay ang Kalihim ng Department of Justice (DoJ) na paigtingin ang kanilang operasyon na may kaugnayan sa paparating na 2025 midterm elections.
“In particular, I asked the PTFOMS to focus their efforts on the members of the local media, whose fearless coverage makes them particularly vulnerable to threats against life, liberty, and security,” ani Pangulong Marcos.
“I have also directed the PTFOMS to intensify and strengthen partnerships with the media, such as the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), the National Press Club (NPC), the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), and other concerned groups.”aniya pa rin.
Ipagpapatuloy naman ng gobyerno ang suporta sa mga journalists o mamamahayag sa pagdepensa sa katotohanan at tugunan ang demands ng modern press.
Nanawagan naman ang Pangulo ng pagkakaisa para isulong ang ‘credible at unfettered press’ sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Inorganisa noong April 27, 1973, ang KBP ay isang non-government at non-profit organization ng Philippine broadcast media.
Ang KBP TLMC ay isang taunang conference na naglalayong talakayin ang iba’t ibang broadcast media trends at usapin at plano para sa future development ng industriya. (Daris Jose)
Other News
  • Kai Sotto posibleng sa susunod pa na taon makakasama ng Gilas Pilipinas

    HINDI makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24.     Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National […]

  • Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule

    PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.     Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya […]

  • NTC, susuriin at rerebisahin ang broadcast block time deals

    INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang  block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.     Nakasaad  sa memorandum na ipinalabas ng NTC na may petsang Hunyo 23,  ang mga block time deals ay hindi dapat na mahigit sa  50%  ng  daily airtime broadcast […]