Helper itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng live-in partner
- Published on October 27, 2021
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang 30-anyos na helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Cristalino Valino, residente ng 0953 Samaton, C. Perez Street, Barangay Tonsuya.
Batay sa report nina PCpl Renz Marlon Baniqued at PCpl Rocky Pagindas kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9:16 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pilapil Street, Barangay Tonsuya.
Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Airralyn Magdaraog, 26, sa naturang lugar nang lapitan siya ng hindi kilalang suspek at dalawang beses na binaril sa ulo.
Matapos ang insidente, naglakad ang gunman patungo sa kanyang kasabwat na nagmamaneho ng kanilang getaway motorsiklo saka mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo
HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon. Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato. Move on na raw […]
-
Sixers Joel Embiid nagtala ng kasaysayan matapos tanghalin bilang scoring champion sa NBA
OPISYAL nang kinilala ng NBA ang Philadelphia 76ers superstar na si Joel Embiid bilang scoring champion. Sa huling game ngayong araw bilang regular season finale nakapagtala ng average na career high sa 30.6 points per game si Embiid. Naging dikitan ang agawan nina Embiid sa titulo kay dating NBA MVP na […]
-
Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB
TINIYAK ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito. […]