Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM
- Published on October 11, 2023
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang anumang maling pangangasiwa sa kanyang administrasyon.
Hayagan din nitong kinokondena ang pagsisinungaling at pandaraya sa public service.
Sa ulat, ibinunyag ng dating opisyal ng LTFRB ang diumano’y talamak na korapsiyon sa ahensiya para makakuha ng permit, prangkisa at iba pa.
Sa isang press conference na inihanda ng grupong Manibela sa Quezon City, sinabi ni Jeffrey Tombado, dating executive assistant ni Guadiz, mabilis ang pagkuha ng special permit, route permit, franchise at iba pa kung maglalagay ang mismong aplikante.
Inamin ni Tombado na siya ang nag-aasikaso ng mga permit sa halagang P5 milyon pero hindi lang taga-LTFRB ang nakikinabang kundi hanggang sa Malakanyang.
Binanggit ni Tombado na may mga hawak siyang ebidensiya ng korapsyon sa LTFRB at ihaharap niya ito oras na maisampa ang kaso sa mga sangkot na opisyal.
Dahil dito, inihayag ng grupong Manibela na maglulunsad sila ng transport strike sa Oktubre 16 bilang protesta sa talamak na korapsiyon sa LFTRB. Hihilingin din ng grupo na mapalawig ang deadline sa extension ng prangkisa ng mga traditional jeepney na nakatakdang matapos sa Disyembre 31, 2023.
Hindi umano sila titigil sa transport strike hangga’t hindi nagbibitiw sina Guadiz, Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang sangkot sa korapsiyon. (Daris Jose)
-
‘Casino, karera ng kabayo, sabong, bawal pa rin sa Alert Level 2’
Bagamat marami na ang mga establisyemento at serbisyo ang pinapayagan sa pagluluwag sa Metro Manila at karatig na lugar sa ilalim ng Alert Level 2, may ilang pa rin sa mga ito ang mahigpit pa ring ipinagbabawal. Batay sa panuntunan ng IATF bawal pa rin ang pagbubukas ng mga casino, karera ng kabayo, […]
-
PH, Malaysian foreign ministries, pag-uusapan ang Sabah-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng foreign ministries ng Pilipinas at Malaysia ang isyu ng Sabah kasunod ng naging pagbisita sa bansa ni Prime Minister Anwar Ibrahim. Tiniyak ng Pangulo na masinsinan ang magiging pag-uusap sa nasabing isyu. “Napag-usapan din namin yung isyu ng Sabah, alam niyo naman mayroon tayong claim diyan […]
-
SHARON, tuloy na tuloy pa rin ang pagpasok sa action-drama series ni COCO; inaabangan kung ano ang magiging role
MARAMI na ang nag-aabang sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano. Isa ito sa pasabog na handog ng action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin, which is celebrating its sixth anniversary. Maraming mga fan groups ni Sharon sa Facebook ang nagtatanong kung kailan daw kaya ang formal announcement […]