• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HERBERT, baka manggulat na lang dahil bali-balitang tatakbong Senador sa partido nina LACSON at SOTTO

LAHAT ng mga politiko na nakaupo ngayon sa puwesto ay nagsisimula nang maghanda for the elections next year.  

 

 

Alam na natin kung sino ang mga nag-aambisyon na maging president at maging vice president.

 

 

Pati ‘yung mga inaasahan na tatakbong president na kyemeng hindi raw pero nagkalat naman ang tarpaulin all over the country ay inaabangan ang announcement. Mayroon kaming nakausap na tatakbo daw ito talaga, kiyeme lang na hindi.

 

 

Pati ‘yung natalo sa pagka-VP ay tatakbo rin diumano na president. Talo nga as VP, lalaban pa sa presidency.

 

 

Siyempre marami ang nakaabang sa magiging desisyon ni Vice President Leni Robredo dahil marami rin naman ang may gusto na tumakbo siyang president.

 

 

Kami naman ay nag-aabang sa magiging desisyon ni former QC Mayor Herbert Bautista. When he finished his 9-year term as mayor, marami ang nag-akala na he is running for congress or the Senate.

 

 

Pero mas pinili ni Bistek na magpahinga muna sa politics so he can spend time with his children.

 

 

Hindi siya tumakbo sa 2019 elections. Eh next year kaya, may planong tumakbo si former mayor Bistek?

 

 

Tahimik ang kampo ni Mayor Bistek with regards his plans for 2022. Pero baka magulat na lang tayo pag nagsimula na ang filing ng certificate of candidacy.

 

 

Ang lumalabas na chika ay tatakbo diumano si Bistek na senador sa ilalim ng partido nina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto.

 

 

Para sa amin, speculations lang lahat ito. Hearsay. Unless na marinig namin mismo ang announcement from Bistek na he is seeking a seat in the senate, hindi kami maniniwala.

 

 

***

 

 

ANG bagong movie ni Direk Brillante Mendoza titled Gensan Punch ay ipalalabas as an original movie sa HBO Asia Original next month via streaming.

 

 

Ang obra na ito ni Cannes best director na si Direk Brillante ay tungkol sa isang Japanese boxer na may prosthetic leg na nagnanais na maging isang professional boxer.

 

 

Nag-training ang boxer na si Shogen, ang bida sa movie,  sa Gensan Quarter sa General Santos City, na naging tahanan ng maraming sikat na atleta, kabilang ang dating champion at aspiring presidential candidate na si Manny Pacquiao.

 

 

Magkakaroon din ng world premiere ang Gensan Punch sa Busan International Film Festival next month. Sa Busan ay nominado ang pelikula para sa Kim Jiseok Award sa Window on Asian Cinema section.

 

 

Sa November ay ipalalabas din ito sa out of competition gala selection ng Tokyo International Film Festival.

 

 

Ang pelikula ay isang co-production venture ng Japan at Pilipinas.

 

 

Tampok sa ‘Gensan Punch’ ang Japanese actor na si Shogen, kasama ang mga Pinoy actors na sina Ronnie Lazaro, Beauty Gonzales at Vince Rillon.

 

 

Magandang balita ito dahil featured din sa HBO Go ang six-part series na On The Job na nagpanalo ng best actor kay John Arcilla sa Venice Film Festival.

 

 

***

 

 

MATAPOS mag-relax sa farm ay balik-trabaho na muli si Cong. Alfred Vargas.

 

 

Ilang buwan na lang kasi ang natitira sa term ng actor-politician at mabubuo na niya ang 9 years bilang congressman sa 5th district ng QC.

 

 

Wala pang balak si Alfred na tumakbo for an electoral post next year kaya ang kapatid niya na si PM Vargas, na incumbent councilor sa 5th district ang kakandito sa pwestong iiwan niya sa kongreso.

 

 

Pwede naman maging active muli si Alfred sa kanyang acting career. Tiyak na marami siyang offers na tinanggihan habang siya ay busy kanyang trabaho bilang lawmaker.

 

 

Guest role lamang siya sa Legal Wives na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

 

 

The last time nakausap namin si Cong. Alfred, nabanggit niya na interesado pa rin siyang mag-produce ng pelikula basta maganda ang script.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PSA website nakaranas ng glitches sa National ID registration

    Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.     Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.     Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa […]

  • PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.   Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik […]

  • Health protocol violators, tumaas kasunod ng pagluluwag sa restriksyon sa NCR

    TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa Metro Manila, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.     Ito ay kasunod ng pagbababa sa Alert Level 1 sa buong National Capital Region (NCR).     Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe […]