• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HERBERT, nag-apologize na kay KRIS dahil sa kanyang ‘di tamang ‘TOTGA’ post na burado na rin

NAG-APOLOGIZE ang aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista dahil aminadong hindi tama ang kanyang pinost na lumalabas na patungkol kay Queen Of All Media Kris Aquino.

 

 

Burado ang naturang post pero marami na nakapag-screenshot kaya patuloy itong kumalat

 

 

Post ni Bistek na kumakandidatong senador,

 

 

“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang, may napili na po sya. (broken heart emojis).”

 

 

Kasama ang hashtags na “#KungMaibabalikKoLang” at “#TOTGA”

 

 

Kaya nag-post agad siya ng apology kay Kris: “I’ve already taken down the post on Twitter of which my loose remark unjustifiably hurt feelings.

 

 

“It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris.”

 

 

Tweet pa ni ex-mayor, “I’m so sorry.

 

 

“I failed to see it coming, until it was too late.

 

 

“Alam kong maaalagaan ka nya, and I can see that you’re happier now.

 

 

“Aminado ako, I know I have not been good enough.

 

 

“Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better.”

 

 

Hindi pinalampas ng soon-to-be husband ni Kris na si Mel Senen Sarmiento, kaya naglabas ito ng kanyang statement na ipinost din ni Kris.

 

 

Say ng former secretary of Interior and Local Government, “Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.

 

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.

 

 

“Hindi po showbiz ang Senado. People would  appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.

 

 

“Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon.”

 

 

Burado na rin ang naturang “sorry” post ng actor politician pero agad naman itong na-screenshot ng netizens.

 

 

Pahayag naman ni Kris, irespeto raw sana ni Herbert ang relasyon nila ni Mel dahil nagkaroon naman sila nang maayos na closure sa kanilang relasyon noong May 12, 2021.

 

 

Sabi pa ni Kris, “July 21, bilang respeto – sana naman natatandaan mo yung sinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sa yo nung May 12, 2021 nasabi ko dun ‘we both deserve our versions of ME AFTER YOU’ kaya nung alam na ng puso ko that it was Mel, i messaged you to ask if we could talk.

 

 

“Right away ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun.

 

 

Pagbubuko pa niya, “It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your present, not your past.”

 

 

Malaki naman ang pasasalamat ni Kris dahil natagpuan niya sa fiance ang pagiging “#betterman.”

 

 

Sa IG post ni Kris, “when I woke up beside him this morning, i really thanked God and thanked my kuya up in heaven for reconnecting me with the “#betterman

 

 

“Thank you babe… Nobody has stood up & fought for me the way you have consistently been doing.

 

 

“You have never blamed me for my past, instead you have just loved me for me.”

 

 

Dagdag pasasalamat pa niya, “I really thank God because my beloved bunso both loves & trusts you. #family.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]

  • NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon

    SI  Health Usec. Maria Rosario Vergeire  ang  mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center  (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.     Ayon […]

  • Ads February 16, 2021