• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Herbosa, umapela kay PBBM na suspendihin ang PhilHealth premium hike

TINITIMBANG na mabuti at masusing pinag-aaralan ng Malakanyang ang rekomendasyon ni Health Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ng implementasyon ng premium rate increase ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) ngayong 2024.

 

 

“The President is studying the request,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil nang hingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Herbosa.

 

 

Nauna rito, nagpadala si Herbosa kay Pangulong Marcos ng recommendation letter, araw ng Martes na nagbibigay-diin na ang nasabing hakbang ay walang makabuluhang epekto sa financial standing ng PhilHealth kung ang pagtaas ng premium rate ay maaantala.

 

 

“If ever the President will agree to the contribution, my recommendation is to start from where we stopped, not the current 5%. If we stopped at 2% or 3% increase, we start at where it was suspended. That for me is the logical way to lift suspension. We don’t jump to a very high [rate] kasi kawawa ang mga tao,” ayon kay Herbosa.

 

 

“My position is that, I think PhilHealth has enough money to actually continue to give benefits. It will not be hurt by delaying the increase in premium. I need to see good actuarials on this one. You need to have a science-based policy. Hindi ‘yung whim na itataas mo lang . There are other things that are supporting health care,” dagdag na wika nito.

 

 

Iniugnay ng Kalihim ang posisyon niyang ito para mapanatili ang suspensyon ng premium hike sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

“Nagtataasan kasi [ang presyo ng] lahat ng bilihin eh, so it is the right time to actually already fill in. I know PhilHealth is healthy with a very good reserve and a very good investment,” ang pahayag ni Herbosa.

 

 

Sa ulat, muling ipinaalala ng PhilHealth na itataas na sa 5% ang premium rate ng kontribusyon para sa taong 2024.

 

 

Kung matatandaan sa nakalipas na taon nasa 4% lamang ang premium rate na nagiging kontribusyon ng bawat empleyado.

 

 

Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., sa loob ng 13 taon, nito lamang December 2023 sila nagtaas ng premium rate para sa kada buwan na kontribusyon.

 

 

Aniya, malaki ang maitutulong ng pagtaas ng premium rate ng kontribusyon para sa mga miyembro at empleyado nito dahil sa makukuhang benefit sa bawat mangangailangan ng serbisyo ng PhilHealth.

 

 

Kung noon ay nasa ₱400 lamang ang kontribusyon ng bawat empleyado ngayon ay nasa ₱500 to ₱5,000 na kada buwan na ang kontribusyon para sa mga sumasahod ng ₱10,000 to ₱100,000 o basic pay kada buwan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng PhilHealth na magagamit ng mga empleyado at mapupunta sa tama ang mga kontribusyon ng bawat empleyado para maihatid sa kanila ang iba’t-ibang serbisyo na ino-offer ng Philhealth. (Daris Jose)

Other News
  • Janssen Pharmaceuticals naghain ng EUA application sa Pilipinas – FDA

    Naghain na rin ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang kompanyang Janssen Pharmaceuticals, na nasa ilaliim ng Johnson & Johnson.     Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo, noong Miyerkules nang magpasa ng EUA application ang kompanya para sa kanilang single-dose na […]

  • Ads May 27, 2021

  • IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito.     Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration […]