• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games

PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.

 

 

Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng men’s 89kg, John Dexter Tabique ng men’s +89kg , Mary Flor Diaz ng women’s 45kg, Rosegie Ramos ng women’s 49kg , Margaret Colonia ng women’s 59kg, Elreen Ann Ando (women’s 64kg), Vanessa Sarno (women’s 71kg) at Kristel Macrohon (women’s +71kg).

 

 

Sasamahan sila ng mga coaches na sina Gregorio Colonia, Gary Hortelano, Nicolas Jaluag at Patric Lee.

 

 

Inilabas ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas ang pinal na listahan matapos ang pagsasagawa ng mga serye ng qualifying tournaments sa Zamboanga City, Cebu City at sa Muntinlupa City.

 

 

Sa nasabing 13 na mga weightlifters ay anim sa mga dito ay nakakuha na ng medalya noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.

 

 

Target ng Pilipinas na ma-improve ang performance nito sa weightlifting kung saan nasa pangatlong puwesto sila na ang nangunguna ay Vietnam at sinundan ng Indonesia.

 

 

Gaganapin ang weightlifting competition sa Mayo 19 hanggang 22.

Other News
  • Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

    AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.     Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]

  • Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

    IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.     Ang kautusan […]

  • Pacquiao, ‘pinaka-best fighter’ na nakalaban ko – Mayweather

    Itinuturing ni retired US boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. na si Senator Manny Pacquiao ang pinaka-best fighter na kanyang nakalaban sa loob ng 21 taon niyang career.     Kung maalala kabilang sa mga boxing legend na nakaharap na ni Mayweather ay sina De La Hoya, Canelo Alvarez, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, […]