• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz nasa Uzbekistan na bilang paghahanda sa Tokyo Olympics

Formality na lamang sa pagsali nito sa Tokyo Olympics ang pagsabak ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz kaya ito nasa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, na nasa Tashkent na si Diaz kasama ang dalawang coaches nito.

 

 

Magaganap ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan mula Abril 16-25.

 

 

Dagdag pa nito na ang ranked number 2 sa buong mundo at silver medalist ng 2016 Rio Olympics ay hindi na kailangan pa na mangibabaw sa torneo sa Uzbekistan para makakuha ng Olympic spot sa Women’s 55-kilogram division.

 

 

Kailangan lamang niyang tapusin ang mga qualifying tournament para ito ay pormal na makapaglaro sa Olympics na magsisimula sa Hulyo 23 sa Tokyo.

 

 

Ilan sa mga tiyak na kasama sa Olympics ay sina boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Neshty Petecio at Irish Magno, EJ Obiena ng pole vaulting at Carlos Yulo ng gymnastics.

Other News
  • Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec

    Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022.     Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng […]

  • Ads July 30, 2022

  • Gatchalian, handa sa hamon sa DSWD

    “GIVE me a chance to lead and perform my new job (DSWD Secretary)!”   Ito ang mariing apela ni dating Valenzuela Congressman at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga kritiko.     “Nakikiusap lang ako sa lahat ng mga kritiko o mga nakatingin, bigyan n’yo na lang […]