• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics

Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak.

 

 

Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Diaz na nalungkot siya sa desisyon ng organizers pero naiintindihan niya ito.

 

 

Marami aniya itong mga kaibigan na nais manood ng makasaysayang kabanata sa kaniyang buhay.

 

 

Target ngayon ni Diaz na ma-improve niya ang kaniyang performance noong Rio Olympics kung saan nakakuha ito ng silver medal.

 

 

Maisasapormal naman na nito ang pagsali sa Tokyo Olympics sa nakatakdang pagsabak nito sa Asian Weightlifting Championsip sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Abril 16 hangang 25.

Other News
  • 300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan

    MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City.     Ang bigas na ito ay dadalhin at […]

  • PBBM, pinangunahan ang GROUNDBREAKING ng tinaguriang ‘WORLD’S LARGEST SOLAR, BATTERY STORAGE FACILITY’

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang groundbreaking ceremony ng “Meralco Terra Solar Project,” kinokonsidera ito bilang pinakamalaking ‘integrated solar at battery storage facility sa buong mundo.       Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang seremonya sa Gapan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ng Chief Executive ang kahalagahan ng solar […]

  • Dagdag na Kadiwa stores, makakatulong sa mga magsasaka

    INIHAYAG ni Navotas Congresman Toby Tiangco na ang pagdadag ng mas maraming tindahan ng Kadiwa sa buong bansa ay makakatulong para lumaki ang kita ng mga magsasaka at magbibigay sa mga mamimili ng murang pagkain.     Aniya, layunin ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 71 pang Kadiwa sites sa pagtatapos ng taon, […]