Hidilyn Diaz unti-unting nagpapakondisyon
- Published on December 2, 2021
- by @peoplesbalita
Mas pinili ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na ibalik ang kanyang focus para humugot ng bagong lakas sa paglahok sa mga susunod na international competitions.
Unti-unti nang nagpapakondisyon ang national lady weightlifter sa isang training camp sa Malacca, Malaysia kasama ang kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo.
“After winning an Olympics, Hidilyn and TeamHD had made a decision to take a step back after 5 grueling years of sacrifices and challenges that came along with sports and the pandemic,” wika kahapon ni Naranjo sa kanyang Facebook post.
Bumalik sina Diaz at Naranjo sa Malaysia kung saan nagsanay ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist para sa nakaraang Tokyo Olympics upang paghandaan ang darating na 2021 World Weightlifting Cham-pionships sa Tashkent, Uzbekistan.
Ngunit hindi na itinuloy ni Diaz ang kanyang pagsali sa nasabing world championships dahil sa kawalan ng focus at sapat na ensayo.
“With the world championship neither being an important competition, nor Olympic Qualifier, these next few months will be a step forward in terms of building the champion mindset, and the physical form towards the end goal of Paris 2024,” ani Naranjo sa tubong Zamboanga City.
Sa 2022 ay lalahok si Diaz sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
-
Ads September 17, 2021
-
Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA
Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease. Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang […]
-
DOH: Hindi pa kailangan ng red alert kahit may ‘local transmission’ ng COVID-19
HINDI pa raw nakikita ng Department of Health ang pangangailangan na magdeklara ng code red alert sa Pilipinas kahit nakapagtala na ng pinaghihinalaang local transmission ng COVID-19 sa bansa. Ito ang paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque matapos na may dalawang Pilipino ang nagpositibo sa sakit. “Well, there is no (local) transmission to speak […]