• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn reyna pa rin ng SEA Games

UMISKOR ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa pamumuno ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.

 

 

Nagtala ang 30-anyos na si Diaz ng total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para muling manaig sa women’s 55-kilogram event kung saan siya nanalo noong 2019 Manila edition.

 

 

Binigo ng tubong Zamboanga City sina 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medal winner Sanikun Tanasan ng Thailand at Natasya Beteyob ng Indonesia na nagtala ng 203kgs at 188kgs, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Inangkin naman ni Fil-Jap judoka Shugen Nakano ang ginto matapos talunin si hometown favo­rite Hoang Phuc sa finals ng men’s -66kg category.

 

 

Wagi ang Team Philippines-Sibol sa Indonesia, 3-1, sa best-of-five finals series ng Mobile Legends: Bang Bang.

 

 

Ito ang ikalawang ginto ng Pinas sa esports matapos manalo ang all-female Grindsky Eris sa Wild Rift.

 

 

Inaasahang dadami pa ang medalya ng Pinas, may 43 golds, 59 silvers at 80 bronzes, na nasa ilalim ng overall champion Vietnam (163-97-92), Thailand (65-73-105), Indonesia (47-67-63) at Singapore (47-44-62).

 

 

Nakatiyak ang bansa ng dalawang gold matapos itakda nina men’s 9-ball singles winner Johann Chua at Carlo Biado at women’s 9-ball singles queen Rubilen Amit at Chezka Centeno ang kani-kanilang 10-ball finals.

 

 

Sigurado na rin ang ginto sa pagharap nina Pinoy netters Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon sa mga kababayang sina Treat Huey at Ruben Gonzales sa men’s doubles finals.

 

 

Ginto rin ang target rin nina Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial (middleweight), Rogen Ladon (flyweight) at Ian Clark Bautista (featherweight) sa pag-usad sa finals ng boxing.

 

 

Nag-ambag ng silver sina judoka Khrizzie Pabulayan (women’s -52kg) at Carlo Von Buminaang (vovinam men’s 65kg).

 

 

Humataw si tennis sensation Alex Eala ng tatlong bronze medals sa women’s singles, women’s team event at mixed doubles.

 

 

Nakuntento sa bronze ang women’s beach volleyball team nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez at ang men’s squad nina Jude Garcia, Jaron Requinton, Krung Arbasto at Ranran Abdilla.

 

 

Sa chess, isinulong ni WGM Janelle Mae Frayna ang tanso sa women’s individual blitz.

Other News
  • DEREK, pinasalamatan ni ELLEN at sinabing ‘man of her dreams, affirmations and prayers’

    NOONG Martes Santo nag-propose na nga ang Kapuso actor sa kanyang three-month girlfriend na si Ellen Adarna.       Ginulat nga ni Ellen ang showbiz industry sa IG post niya ng mga pictures na kinunan habang nagpo-propose si Derek.     May caption ito ng, “Game over!” lang ang iniligay na caption ng aktres […]

  • Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng bumaba – OCTA

    INAASAHAN ng OCTA Research group ngayong araw na magkakaroon ng pagbaba sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.       Sa kabila ito ng sunud-sunod na araw na nakapagtala ng nasa mahigit dalawang libong bilang ng mga kaso ng nasabing virus sa bansa.       Sa isang panayam ay sinabi ni OCTA […]

  • Kai Sotto patuloy ang paghahanda sa 2022 NBA Draft

    PATULOY ang ginagawang paghahanda ni Filipino basketball player Kai Sotto parea sa 2022 NBA Draft.     Kahit na hindi nakasama ito sa Draft Combine ay patuloy ang ensayo ng 7-foot-2 sa Atlata.     Nakipag-work outs rin ito sa ilang NBA teams.     Sinabi ng 19-anyos na si Sotto na patuloy ang kaniyang […]