• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

High trust para sa AFP , hindi ikinagulat ng Malakanyang

HINDI na ikinagulat pa ng Malakanyang ang kamakailan lamang na survey ng PUBLiCUS na nagpapakita na nakakuha ang   Armed Forces of the Philippines (AFP) ng  mataas na “trust rating” mula sa 10 ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Ang katwiran ng Malakanyang, kitang-kita naman kasi kung paano gampanan ng  AFP ang tungkulin nito sa panahon ng sakuna.

 

 

Makikita kasi sa PUBLiCUS’ Pahayag 3rd Quarter Survey na ang AFP  ay nakakopo ng “highest trust rating” na 57%, sinundan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 56% at Department of Education (DepEd) 55%.

 

 

Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil  na hindi na ito nakagugulat dahil ang AFP aniya ay direktang kasama sa “search and rescue operations.”

 

 

“The AFP has the Army, Navy and Air Force at its disposal during times of calamities and disasters such as typhoons and earthquakes. Army soldiers are responsible for conducting rescue and relief missions in far-flung areas in the provinces. Navy personnel are engaged in seaborne search and rescue operations,” ayon kay Velicaria-Garafil.

 

 

Ani Velicaria-Garafil , ang TESDA at DepEd  na nasa 2nd at 3rd spots sa trust ratings ay isang indikasyon kung paano pinahahalagahan ng mga tgao ang skills training at basic education.

 

 

Samantala, ang Top 10 government agencies na may mataas na trust ratings ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 53%; Department of Social Welfare and Development (DSWD), 49%; Commission on Higher Education (CHED), 48%; Department of Science and Technology (DOST), 47%; Department of Health (DOH), 45%; Department of Tourism (DOT), 44% at Department of Labor and Employment (DOLE), 44%.

 

 

“The same goes with DSWD, CHED, DOST, DOH, DOT and DOLE whose services are directly felt by ordinary Filipinos who are constantly seeking help and assistance from the national government,” wika pa ni Velicaria-Garafil.

 

 

Aniya pa, “the government agencies within the Top 10 with high trust ratings are those who have direct contact with the people, especially in the delivery of basic social services.”

 

 

Samantala, ang Top 10 agencies  na may high approval ratings ay kinabibilangan ng TESDA, 68%; AFP, 67%; DepEd, 63%; BSP, 63%; DSWD, 62%; DOST, 61%; CHED, 61%; DOT, 60%; Department of Foreign Affairs at DOLE na may 58% kada isa.

 

 

Ang trust ratings ay ang pagkakaiba sa pagitan ng approval at disapproval ratings.

 

 

Sa kaso ng pinakabagong  PUBLicus Asia survey, ang Top 10 government agencies na may mataas na  approval ratings ay iyong mayroong mataas na trust ratings, maliban sa  DOH.

 

 

Samantala, ang Pahayag survey ay ginawa mula  Sept. 16  hanggang 20  ngayong taon, binubuo ng 1500 Filipino respondents, sample ng PureSpectrum,  isang  US-based panel marketplace na mayroong  multinational presence, mula sa  national panel nito na mahigit sa  200,000 Filipino.

 

 

Ang sample-wide margin of error ay +/- 3%.

 

 

Ang Pahayag ay isang independent at non-commissioned national purposive survey ng PUBLiCUS Asia Inc. Pahayag, ay isang  corporate social responsibility program ng  PUBLiCUS, ipinalalabas quarterly.  (Daris Jose)

Other News
  • Lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa estudyante, binitbit

    DINAMPOT  ng pulisya ang isang lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa isang 17-anyos na estudyante noong nakaraang taon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Sinilbihan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon […]

  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, GOCCs

    INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pinakabagong  appointments sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at government-owned and -controlled corporations.     Kasama sa mga bagong appointees sina:   Department of Agriculture Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Assistant Secretary Celso C. Olido, Director III Maria Melba B. Wee, Director III   Philippine Rubber Research Institute Cheryll L. […]

  • Ads April 9, 2022