• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.

 

 

Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

 

 

Samantala, nasa 481,089 residente na o 28.30% ng target population ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa lungsod.

 

 

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan anila ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

 

 

Maaari anila nilang bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang official Facebook page o kaya bisitahin ang  https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.

Other News
  • SUNOG SUMIKLAB SA SCHOOL, BOTOHAN, NAANTALA

    PANSAMANTALANG naantala ang botohan  sa isang eskuwelahan matapos sumiklab ang sunog sa Malate, Maynila kaninang umaga .     Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nangyari ang sunog sa Aurora Elementary School sa Malate, Maynila.     Dakong alas-8:52 ng umaga nang sumiklab ang sunog at idineklarang fire out ganap na […]

  • Nangangailangan ng tulong medikal , maaaring makipag- ugnayan sa mga Malasakit centers

    SINABI  ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng National Patient Navigation and Referral center na hindi lamang magsisilbing referral office ngayon ang National Patient Navigation and Referral Center na dating One Hospital Command na naghahanap ng pagamutan para sa mga pasyenteng kailangang dalhin sa ospital.     Ani Dr. Velasco, pwede na rin silang makipag- […]

  • Philippines women’ volleyball team bigong makakuha ng medalya sa 2022 ASEAN Grand Prix

    WALANG  nakuhang panalo ang Pilipinas sa 2022 ASEAN Grand Prix sa Indonesia.     Ito ay matapos na talunin sila ng Indonesia sa score na 26-24, 25-22, 25-23.     Pinangunahan ni Jema Galanza ang Philippine Womens’ volleyball team na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Michele Gumabao at 10 points naman […]