Higit 100 illegal POGOs tuloy operasyon — PAOCC
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAMAYAGPAG pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala ng operasyon nito bago matapos ang 2024.
Namamayagpag pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala ng operasyon nito bago matapos ang 2024.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio, nasa higit 100 illegal POGO hubs pa ang nagpapatuloy sa kanilang operasyon.
“Ang problema talaga natin ay ‘yung mga illegal talaga from the get-go. ‘Yung sa umpisa palang illegal na talaga sila, underground na po sila. ‘Yun ‘yung nagiging problema ngayon sapagkat hinahabol po natin sila all over the country… Kasi ‘yung dating malalaki na daan-daan, ‘yung libo ang mga empleyado, nag disintegrate sila into smaller units kaya mas lalo silang dumami,” ani Casio.
Naniniwala si Casio na kailangan ang koordinasyon ng lahat ng sangay ng pamahalaan at maging ng LGUs at barangay upang matukoy at matigil ang operasyon ngga illegal POGOs.
Dagdag ni Casio ang mga barangay at LGUs ang siyang dapat na manguna sa pagsawata ng mga illegal activities sa kanilang mga lugar.
Tiniyak ni Casio na tuluy tuloy ang kanilang operasyon kahit matapos ang Disyembre.
Kamakailan nang madakip ng mga awtoridad ang sinasabing “godfather” ng POGO na si Lyu Dong sa Biñan Laguna. (Daris Jose)
-
“THE INVITATION” — HORROR TOLD FROM A FEMALE PERSPECTIVE
EMMY-NOMINATED filmmaker Jessica M. Thompson directs Columbia Pictures’ new horror thriller The Invitation starring Nathalie Emmanuel (Game of Thrones, Fast & Furious 7 & 8). [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/cHF2a2XZxUk] Thompson made her feature writer-directorial debut with The Light of the Moon, which won the Audience Award for […]
-
Nag-post ng sweet birthday message: CLAUDINE to GRETCHEN, ‘it was a privilege to be your sister’
NAG-SHARE si Claudine Barretto sa kanyang IG post ng photos nila ni Gretchen Barretto na nag-celebrate ng birthday few days ago. Ayon kay Clau, it was a privilege to be Gretchen’s sister. Sa kanyang sweet message, “To my Ate my advisor, friend & Idol, Happy happy birthday. I thank God first […]
-
Summer Reading Camp 2024, muling inilunsad sa Valenzuela
MULING inilunsad ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation at Department of Education (DeEd)-Valenzuela, ang Valenzuela Summer Reading Camp 2024 sa Pio Valenzuela Elementary School at Canumay West Elementary School, Miyerkules ng umaga, July 10, 2024. Ayon kay Mayor WES, aabot sa 1,246 na mga estudyante sa Grade 3 […]