• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 150k ang dumalo sa Puregold ‘MassKaravan at concert’: FLOW G, nagbigay ng saya at inspirasyon kasama si SKUSTA CLEE at SB19

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19 ang panalo spirit sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert sa Bacolod.

 

 

Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taon-taon at dinarayo ng libo-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mahigit-150,000 ang dumalo upang makisaya sa Puregold at sa mga bigating musikerong bisita.

 

 

Mas pinatingkad ng Puregold Sari-sari Store MassKaravan ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista. Ipinagdiwang sa Bacolod City Government Center, naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, na pumunta sa konsiyerto upang mapanood ang mahusay na ritmo nina Skusta at Flow G, at ang sayaw at harmonya ng SB19. Natunghayan din ng mga nanood ang pagtatanghal ng mga nagbukas ng konsiyerto, sina Project Juan at Esay.

 

 

“Puregold has taken major strides in uplifting the voices of our local music talents),” pagbabahagi ng Presidente ng Puregold na si Vincent Co. “We’re proud to bring these talents to one of our country’s most spirited festivals–MassKara in Bacolod. Our sincere thanks to all who came out to enjoy the concert.”

 

 

Kitang-kita sa mga tagapanood ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng kanilang mga paboritong musikero sa Bacolod City Government Center. Halimbawa, ang mga A’TIN Na sina Chariz at Katrina ay napuno ng ligaya dahil nakita ang kanilang mga iniidolo.

 

 

Ani Chariz, wala siyang personal na “bias” dahil “lahat po idol ng anak ko!” Si Katrina naman, nagpadala ng espesyal na mensahe sa bias niyang si Stell, “Good luck and good job! Hoping you grow as an individual but also as a group.”

 

 

Labis namang nasabik ang mga fan gaya ni Apple na nakita ang bigatin sa rap na si Flow G. Malinaw na malaki ang impact ni Flow G kay Apple nang ipinagmamalaki niyang isigaw ang “Idol! Nakaka-inspire!”

 

 

Habang bukas sa publiko ang konsiyerto, may bentahe ang mga miyembro ng Puregold sa kapana-panabik na kaganapan. Mayroong mga VIP at VVIP na tiket na binenta sa mga piling Puregold store sa Bacolod at Iloilo noong Oktubre 5, na paraan ng Puregold na pasalamatan ang mga araw-araw na suki at mabigyan sila ng magandang karanasan sa konsiyerto.

 

 

Dagdag pa rito, marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brand ng Puregold, na mayroong mga booth sa pinagdausan ng konsiyerto. Marami ding mga giveway ang nag-abang sa Perks at Aling Puring members. Ang unang 2,000 na nagrehistro sa konsiyerto ay nakapag-uwi ng libreng loot bag na naglalaman ng mga groseri aytem na nagkakahalagang P300.

 

 

Sa masayang musika, mga giveaway at promo, naramdaman talaga ng mga dumalo sa Puregold Sari-Sari Store MassKaravan at Concert ang selebrasong Pinoy. Ang mga kuwentong panalo ng mga musikero, mga tagasubaybay, at ang Puregold mismo ay nagsama-sama at lumikha ng gabing maalala ng lahat.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa

    NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.     Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.     Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na […]

  • TEEJAY at JEROME, ‘di inaasahan na magiging maganda ang pagtanggap sa ‘Ben X Jim’; asahang mas nakakikilig ang Season 2

    NAG–START na noong February 12 ang season 2 ang BL series na Ben X Jim na from Regal Entertainment starring Teejay Marquez and Jerome Ponce, under the direction of Easy Ferrer.     Sa recent zoom presscon ng season 2 ng serye, kapwa sinabi nina Teejay at Jerome na hindi nila inaasahan ang magandang reception ng […]

  • Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

    PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.   Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.   Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong […]