Higit 19K bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 19,262 bagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto 22-28.
Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 2,752 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo.
Mas mababa na ito ng 19% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 15-21.
Nasa 110 na kaso naman ang nadagdag sa ‘severe at critical’ na kundisyon, habang naitala sa 316 ang bagong nadagdag sa mga nasawi ngunit 94 lamang dito ang nangyari mula Agosto 15-28.
Sa healthcare utilization, 807 pasyente o 10.5% ng kabuuang COVID-19 admissions ang nasa ‘severe at critical’ na kundisyon.
Nakapagtala ng 28.1% ‘non-ICU bed utilization’ kung saan 5,986 sa 21,287 na higaan ang okupado. Nasa 24.9% naman ang ‘ICU bed utilization’ kung saan 635 sa 2,551 higaan may lamang mga pasyente.
Umabot na sa 92.80% ng ‘target population’ ang ‘fully-vaccinated’ na katumbas ng 72,476,610 bakunado.
Nasa 17,843,348 naman ang nakapagpaturok ng unang booster shot.
-
738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase
MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd). Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga […]
-
Ads November 25, 2023
-
LeBron James, ikakampanya sina Biden sa pagkapangulo ng US
Inanunsiyo ni NBA star LeBron James na ikakampanya niya sa pagkapangulo ng US si Joe Biden at Kamala Harris. Sinabi nito na napapanahon na para magkaroon ng pagbabago at para simulan ito ay dapat baguhin ang namumuno sa bansa. Dagdag pa nito na hindi naman niya itinatago na hindi ito sang-ayon sa ipinapatupad na […]