• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 25K households tanggal na sa 4Ps

UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya.

 

 

Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan.

 

 

“The 4Ps Pugay-Tagumpay graduation and exit ceremony is a celebration of the be­neficiaries’ milestone and highlights the significant achievement that reflects the dedication and hard work of both the beneficiaries and the program implementers,” sabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

 

 

Ang mga 4Ps gra­duates ay kinilala sa gina­nap na ‘Pugay Tagumpay’ graduation and exit ceremonies sa ibat ibang DSWD Field Office, katuwang ang local government units (LGUs).

 

 

Ang ‘Pugay Tagumpay’ ay maituturing na komendasyon sa mga benepisyaryo na napabuti ang buhay dahil na rin sa programa ng ahensya sa tulong na rin ng ilang partner stakeholders.

 

 

Ayon kay Dumlao, ang mga household beneficiaries na tinatayang nakamit na ang self-sufficiency status kasama na ang mga nagboluntaryong umalis na mula sa programa ay nai-endorso na rin sa mga local government units (LGUs) na kanilang nasasakupan upang mapanatili na mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

 

 

Ang 4Ps ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pag-aaral ng mga kabataan, nutrisyon at kalusugan.

Other News
  • Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers.       “Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our […]

  • Sobrang nakaka-excite ang muli nilang pagsasama: VILMA at CARLO, parang mag-ate lang ayon sa mga netizens

    NAGING usap-usapan ang social media post nina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto, na lumabas na mag-ina sa iconic movie na “Bata, Bata…Paano ka Ginawa?” na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño.     Sa naturang pelikula binitawan ni Ojie (Carlo), anak ni Lea Bustamante (Vilma), ang iconic lines na, “Akala mo lang […]

  • DOLE pinaalalahanan ang mga first-timer jobseeker na samantalahin ang mga libreng pagkuha ng pre-employment documents

    NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga first-time jobseekers na samantalahin ang libreng pagkuha ng mga pre-employment documents.     Ayon sa DOLE na hindi na dapat maging sagabal ang kawalan ng budget para sa mga bagong graduate para makakuha ng mga kinakailangang dokumento.     Kinabibilangan ito ng mga birth and […]