• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 30-K PNP personnel ‘nag-avail’ ng absentee voting

MAHIGIT 30,000 mga pulis at sibilyan personnel ng PNP ang nag-avail ng absentee voting.

 

 

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief, BGen. Roderick Augustus Alba na nasa mahigit 3,000 na mga Crame based personnel at halos 27, 000 naman ang mga nasa police regional offices ang nag-avail ng absentee voting.

 

 

Ang Multi Purpose Center sa Camp Crame ang venue para sa Crame-based PNP personnel.

 

 

Habang ang mga kampo naman sa Police Provincial Office at Regional Police Office ang venue para sa mga PNP personnel na nasa probinsya.

 

 

Matapos bumoto, agad na ipakakalat ang mga pulis sa kanilang mga assignment sa halalan para magsilbing dagdag-pwersa sa mga pulis na una nang naideploy para magbantay ng seguridad.

 

 

Tatagal ang absentee voting sa PNP hanggang Biyernes, April 29, 2022.

 

 

Hinimok naman ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang mga pulis na bumoto.

 

 

Sa ngayon all-set na ang mga personnel at mga kagamitan ng PNP para sa May 2022 national and local elections.

 

 

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director PMGen. Val De Leon na patulong ang kanilang monitoring sa ground lalo na sa mga lugar na nasa areas of concern at Comelec control areas.

 

 

Sinabi ni De Leon, naka depoy na rin ang kanilang Civil Disturbance management unit nationwide na tutulong sa pagmando ng seguridad. (Daris Jose)

Other News
  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%

    UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.     Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%     Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity […]

  • Nandyan lang ‘pag kailangan ng onscreen partner: KEN, sinabihan si ROB na alagaan at protektahan si RITA

    MAY segment ngayon sa morning show na Mars Pa More, ang “Taran Tanong,” at mabilis na sinagot ni Kapuso actor Ken Chan ang tanong na kung mayroon ba siyang mensahe para sa actor na si Rob Gomez, na crush daw ng regular onscreen partner niyang si Rita Daniela?     Hindi nagdalawang-isip si Ken at mabilis na sumagot: “Rob, […]