• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 31-K Pulis fully vaccinated – ASCOTF

Dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19 at sa inilabas na “stern reminder” ng pamunuan ng PNP nahikayat ang iba pang mga police personnel na magpabakuna.

 

 

Dahilan para tumaas pa ang bilang ng mga pulis na nabakunahan laban sa Covid-19.

 

 

Magugunita sa previous data ng ASCOTF nasa 8.5% sa mga kapulisan ang ayaw magpabakuna pero ngayon nasa 6.6% o nasa 14,455 na lamang ang ayaw.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz, nakatulong kahit papaano ang paalala na ibinigay sa kanilang mga tauhan para mahikayat ang mga ito na magpa bakuna.

 

 

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa datos at survey na isinagawa ng PNP as of July 27,2021 sumampa na sa 31,188 o nasa 14.28% police personnel ang fully vaccinated habang nasa 48,000 o 21.98% ang nabakunahan na ng first dose.

 

 

Nasa 139,000 o 63.75% ang hindi pa nabakunahan.

 

 

“Kahit papaano siguro Anne nkatulong ito sa pag hikayat sa mga kapulisan na magpa bakuna dahil nga sa threat ng delta variant. Sa ngayon wala pa naman kumpirmadong kaso ng delta variant sa ating hanay. Lagi naman natin pinapaalahanan ang ating mga kapulisan lalo yung mga nagsasagawa ng ibat ibang police operations kasama na nga dito ang pag secure sa SONA na laging i- observe ang MPHS para na rin sa kanilang kaligtasan,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

 

 

Ayon sa Heneral, batay naman sa kanilang isinagawang vaccination survey nasa 170,202 o 77.92% na mga kapulisan ang gustong magpabakuna; 33,648 o 15.41% dito ay may brand option habang nasa14,555 o 6.66% percent ang ayaw pa rin magpa bakuna.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Vera Cruz patuloy ang kanilang paghihikayat sa kanilang mga tauhan na magpa bakuna para may proteksiyon laban sa Covid-19.

 

 

Sa ngayon walang namomonitor ang ASCOTF na may police personnel na nahawaan ng Delta variant.

 

 

Kaya paalala ng Administrative Support for Covid-19 Task Force sa mga kapulisan na nagsasagawa ng ibat ibang police operations na striktong sundin ang minimum public health standard para sa kanilang kaligtasan kahit bakunado na ang mga ito.

 

 

Samantala, nasa kabuuang 750 doses ng Sinovac vaccine ang natanggap ng PNP nuong nakaraang linggo.

 

 

Ayon kay Vera Cruz, ang 500 doses ay mula sa DOH para sa second dose ng mga binakunahan na nasa A4 category ng PNP.

 

 

Nasa 250 doses naman ang natanggap nilang donasyon mula sa Quezon City Government na ibinigay sa pamamagitan ng PNP Officers Ladies Club.

 

 

Kamakailan lamang nabigyan ang PNP ng halos 10,000 doses ng Sputnik V vaccine at naghihintay pa rin sila sa dagdag na vaccine allocation mula sa gobyerno.

 

 

” Anne, we received a total of 750 Sinovac vaccines, 500 Sinovac for 2nd dose from DOH and 250 Sinovac for 2nd dose from QC LGU thru Officers Ladies Club,” dagdag pa ni Vera Cruz. (Daris Jose)

Other News
  • FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT

    NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko  laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.   Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal  ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.   Base […]

  • ‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas

    Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao.     Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang.     Ginawa ni Ugas ang […]

  • DOF, bukas upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa LGUs ukol sa Mandanas ruling, fiscal capacities

    BUKAS ang Department of Finance (DoF) na ipagpatuloy ang pakikipag-usap LGUs kaugnay sa National Tax Allotment. Sa katunayan, muling pinagtibay ni Finance Secretary Ralph Recto ang commitment ng departamento na ‘transparency’ at mahigpit na pagsunod sa Mandanas ruling. “We assure our LGUs that we are strictly adhering to transparency and accountability, especially with the principles […]