• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na – DSWD

MAHIGIT sa 4,000 da­ting monitored children ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na nga­yon.

 

 

 

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo.

 

 

 

Base sa talaan ni Director Gemma Gabuya ng 4Ps’ National Program Management Office (NPMO), 1,225 Elementary-level at 3,129 Secondary-level education graduates ang nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

 

 

“In the recent LET given last March with the results released in May, we also have reported former 4Ps monitored children who topped the said exam,” pahayag ni Dumlao.

 

 

 

Ilan sa mga 4Ps monitored children ang naging topnotchers sa March 2024 LET. Ito ay sina Khane Jevie Rose S. Cervantes (Top 1) mula sa Davao Region Jennifer G. Manrique (Top 9) mula sa MIMAROPA Region para sa Elementary Level.

 

 

Para sa Secondary Level, naging topnot­chers sina Christian Albert B. Paskil at Clarence Joy D. Salmorin na parehong galing sa MIMAROPA (Top 5); Jellian H. Calipes (Top 6) mula Davao Region, at Joanne E. Cagata (Top 8 ng Caraga Region.

 

 

 

Nagpasalamat sa DSWD si Clarence Joy Delos Santos Salmorin na nagtapos ng Magna Cum Laude sa Secon­dary Education, Major in Science sa Mindoro State University (Bongabong Campus) dahil sa tulong sa kanyang pag-aaral ng cash grants na natanggap mula sa DSWD bilang dating benepisyaryo ng 4Ps.

Other News
  • SHARON, na-in love sa malambing na aspin kaya pinahanap para ampunin; ‘Pawi’, natagpuan na

    MATAPOS na i-post ni Megastar Sharon Cuneta ang video ng isang aspin na naglalambing sa kanya sa Instagram account ay pinost din niya ang larawan ng aso.      Pinahanap niya ito sa Olangapo sa isang saradong beach resort na kung saan doon sila nag-shooting ng Revirginized kasama si Marco Gumabao.   “Sana talaga inuwi ko […]

  • MMDA: Paghuli at pagtiket sa mga e-bikes, e-trikes simula na

    BABALA pa lamang ang ginawa ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority sa mga lumabag sa MMDA Regulation No. 24-002 o ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, at kuliglig  sa pagtawid sa mga national roads. “Ang mga lumalabag sa regulasyon ay sinita pa lamang at ipinaalam sa kanila ang regulasyon. […]

  • Emotions Run Wild: Disney and Pixar Unveil “Inside Out 2” Trailer, Introducing Fresh Faces to Riley’s Mind

    Discover the latest trailer for Disney and Pixar’s ‘Inside Out 2,’ featuring new Emotions and adventures in Riley’s teenage years. In cinemas June 12, 2024.     The much-anticipated trailer for Disney and Pixar’s latest cinematic venture, “Inside Out 2,” is now available, inviting audiences into the evolving inner world of Riley Andersen as she […]