Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark.
Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito ay agad na nailipat sa community care facilities.
Pinasalamatan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Project Ark, isang private sector initiative, sa pakikipagtulungan sa LGU na maibsan ang pandemic sa lungsod.
“We appreciate the continuous support of Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Belmonte.
Ayon kay City Health Department (CHD) Chief Dr. Esperanza Arias ang pooled testing ay akma sa malalaking grupo . Anya ang samples mula sa pooled tested individuals ay agad dinadala sa laboratories ng Lung Center of the Philippines (LCP) at sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Ayon kay Belmonte na sa ilalim ng partnership sa Project Ark na may halagang P4.5 million, maaari itong sumuri ng mahigit 4,000 katao. (ARA ROMERO)
-
Ads February 22, 2020
-
Itinanggi rin na nagli-live in na ang dalawa: JERIC, nilinaw na apo niya ang kasama sina AJ at ALJUR sa viral photo
SI Jeric Raval mismo ang naglinaw ng tsikang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang batang babae na kasama ng dalawa sa isang nag-viral na litrato sa social media kamakailan. “Alam niyo, ang dami kong apo, thirteen, magpu-fourteen na apo ko. “So, yung mga apo ko, sabay-sabay […]
-
DOH nagdeklara ng Code White
NAGDEKLARA na ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano. Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga abiso ng local government officials . Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot […]