Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.
Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.
Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa mga pampubliko at pribadong ospital, pati na rin sa mga testing centers at isolation facilities sa Metro Manila.
Ang matatanggap na sahod ng mga makukuhang healthcare workers ay salig sa salary standardization sa posisyon na kanilang hahawakan.
Samantala, sinabi naman ni Vega na ang healthcare utilization rate ngayon sa Metro Manila ay nasa low risk na dahil nasa 48 percent na lamang ito sa ngayon, ganon din sa ICU occupancy rate na nasa 51 percent.
-
Vaccination sa PNP hindi mandatory – PNP Chief
Hindi mandatory at hindi sapilitan ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP). Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Gen. Guillermo Elezar ngayong nagsimula na ang vaccination sa A4 category. Sinabi ni PNP Chief kanilang uunahin ang mga pulis na nagpahayag ng kagustuhan na magpabakuna. Pero batay sa kanilang survey nasa […]
-
19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd
UMAABOT lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes. Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH). Aniya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang […]
-
‘Amazing performance’ ni Steph Curry na may 50-pts nagpanalo sa Warriors vs Hawks
Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113. Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line. Liban nito nagtala rin si Curry ng […]