• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI

NAKAPAGTALA  ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa.  Higit na malaki ito sa naitalang 2,873,423 sa parehong mga buwan noong 2022.

 

 

Pero malayo pa rin ito sa 11 milyong arrivals sa parehong period bago pa tumama ang pandemya ng COVID sa bansa.

 

 

Binanggit din ng BI ang naitala ng Department of Tourism (DOT) na higit apat na milyong dayuhang turista na dumating sa bansa mula nitong Enero.

 

 

“Palapit na tayo doon.  Ang malaking pagtaas sa mga dumarating na pasahero ay nagpapakita na ang turismo at international travel ay nasa rebound na,” ayon kay Tansingco.

 

 

Para mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero, kasalukuyang bumibili ang BI ng dagdag na mga e-gates, dahil sa pamamagitan umano nito ay mapapataas ang bilang ng napo-proseso kahit sa maliit na espasyon nila sa mga paliparan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, masayang ibinahagi ang naging kontribusyon para mapapayag ang gobyerno ng Indonesia na pauwiin si Veloso sa Pilipinas

    MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagawa ng kanyang administrasyon para mapalitan at mapababa ang sentensiya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nasa death row ng Indonesia dahil sa drug trafficking.     Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong […]

  • Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na

    PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City.   Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin […]

  • June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday

    INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa  bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o  Feast of Sacrifice.     Ang Proclamation No. 258,  may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha  ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang […]