• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.2M marijuana, nasabat sa HVI drug suspect sa Valenzuela

ISANG drug suspect na itinuturing High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng marijuana nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Choy”, 35, online seller at residente ng Brgy. Ugong.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities nito.

 

 

Nang magawa umanong makipagtransaksyon kay alyas Choy ng isa sa mga operatiba sa tulong ng RCI ay agad bumuo ng team si SDEU chief P/Capt. Joan Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa nila ang buy bust operation.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang P12,500 marked money nna binubuo ng isang P500 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 4:50 ng madaling araw sa B. Juan St., Brgy. Ugong.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 2,226 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P267,120.00, buy bust money, P140 recovered money, itim na bag pack, pulang eco bag, cellphone at digital weighing scale.

 

 

Ani SDEU investigator PMSg Carlito Nerit Jr., kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinapurihan naman ni NPD Director Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ng SDEU kung saan kinukuha ni alyas Choy ang naturang mga marijuana. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 8, 2023

  • Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda

    BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa.     Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong […]

  • Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

    KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.     Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.     “For the sake of […]