Higit P.8M droga, nasamsam sa 2 HVI drug suspects sa Valenzuela
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Buboy”, 56, taxi driver ng Obando, Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enfortcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas Buboy.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-7:10 ng Miyerkules ng umaga sa Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas.
Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humgi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, cellphone, P150 cash at coin purse.
Nauna rito, alas-4:20 ng Miyerkules ng madaling araw nang madakip naman ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni PSSg Ronilo Tilano sa buy bust operation sa loob ng kanyang bahay sa Balanti St., Brgy. Ugong si alyas “Bong”, 53.
Sa report niya kay Col. Ligan, sinabi ni DDEU chief P/Lt Col. Robert Sales na nakuha ng kanyang mga tauhan kay alyas Bong ang nasa 65 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P442,000.00, P500 buy bust money, at cellphone.
Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Valenzuela police at DDEU sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of RA 9165. (Richard Mesa)
-
Kelot na nangholdap at nambugbog sa babaeng Chinese national sa Valenzuela, timbog
NASAKOTE ng pulisya ang isang lalaki sa pambubugbog at panghoholdap sa isang babaeng Chinese national at ang kapatid nito hinihinalang kasabwat sa krimen sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang aarestong mga suspek na si alyas “Dannyper”, 33, at kapatid nitong si alyas “John Paul”, 24, kapwa […]
-
Ponggay aayudahan ang mga mag-aaral
WALA pang katiyakan sa petsa sa pagbubukas ng 4th Premier Volleyball League (PVL) 2020. Pero sinisinop ang oras ng mga team ng semi-pro women’s volleyfest, maging ang karamihan sa kanilang mga player. Kagaya ni Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston ng Choco Mucho Flying Titans, na naglalaro rin sa Ateneo Lady Eagles sa University […]
-
APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC
TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30. Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa Mayo 2022. Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga […]