• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P200M na malilikom, ipatatayo ng dialysis centers: SAM, pina-auction ang ten luxury cars sa kanyang charity event

HANGGANG saan ba ang kaya ng isang tao na mag-give up ng mga mahalagang bagay na pag-aari niya para lamang makatulong sa kapwa?

 

Well, pinatunayan ni Sam Verzosa na gaano man kahalaga sa kanya ang mga luxury cars niya ay kayang idispatsa ang mga ito kung mapupunta naman sa mga nangangailangan ang kanyang pagbebentahan.

 

Sampu, yes sampu, sa mga koleksyon ni Sam ng mamahaling sasakayan tulad ng Maserati, Lamborghini, Ferrari na ang kabuuang halaga ay more than two hundred million, ang bukal sa loob ni Sam na ibinenta para makalikom ng halagang ipampapatayo ng mga dialysis center sa iba-ibang lugar sa Maynila.

 

Idinaos sa pamamagitan ng isang car auction ang ginanap na charity event ni Sam upang matulungan ang mga mamamayan ng Maynila na nangangailangan ng tulong medikal lalo pa nga at mahal ang pagpapa-dialysis.

 

“This is for the building of Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center.

 

“Iyon nga, yung tatay ko before he died, nag-dialysis din talaga siya.

 

“Ito po dagdag lang. Meron na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipments, X-Ray, ECG, ultrasound.

 

“Meron tayong SV mobile botika na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin.

 

“Ito po ay dagdag lang para matayuan natin ng dialysis center ang iba’t-ibang mga lugar sa Maynila, unang-una ang Sampaloc, kung saan ako lumaki, para sa libreng pagpapagamot ng mga kababayan ko sa Maynila.”

 

Uunahin muna niya ang Sampaloc dahil …

 

“Yun ang tahanan ko, e. Doon ako lumaki, doon ang lugar kung saan ako ipinanganak, kung saan ako namulat, nangarap, at umasenso.

 

“Kaya gusto kong ibalik sa mga kababayan ko ang lahat ng ibinigay sa akin ng Diyos,” pahayag pa ni Sam.

 

Paano pa kaya nagkakaroon ng oras si Sam na tumulong samantalang sobrang busy na niya bilang Tutok To Win Partylist representative rin at host ng ‘Dear Sam’ ng GMA at isa rin sa pinuno ng Frontrow International.

 

Si Sam rin ang presidente ng Modena Motorsports Inc., na distributor ng Maserati cars dito sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya.

 

Well if there’s a will, there’s a way.

 

Samantala hindi na ibinunyag ni Sam ang pangalan ng mga mayayamang businessmen na bumili ng mga luxury cars niya para maprotektahan ang privacy ng mga ito.

 

Basta ang mahalaga aniya ay ang pagsuporta nila sa kanyang hangaring makatulong sa mga nangangailangan.

 

Hindi na maawat ang adbokasiyang ito ni Sam lalo pa nga at nakahanda na ang mga lupain na pagtatayuan ng mga dialysis centers.

 

Isa lamang ito sa maraming gagawing pagtulong ni Sam kaakibat ang balak niya na tumakbo bilang mayor ng Maynila.

 

Full support nga pala si Rhian Ramos kay Sam, dumalo ang aktres sa auction ng kanyang boyfriend.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • DA, naglaan ng P7-M ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

    NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.     Sa Talk to the People, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda na silang tulong para sa 1,561 magsasaka at mangingisda, […]

  • Glen Powell rides into the eye of the storm as tornado wrangler Tyler Owens in “Twisters”

    Glen Powell has always had an interest in joining the disaster thrill-ride, “Twisters,” since he caught wind of it. He’d been keeping close tabs on the project while working with Joseph Kosinski for “Top Gun: Maverick,” as Kosinski was developing the story for “Twisters.” “Joe told me what an exciting movie this was going to […]

  • DOH: Hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa ‘A4 group’

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa mga indibidwal na kasali sa A4 priority group o “economic frontliners.”     Pahayag ito ng ahensya matapos bakunahan ng first dose noong Sabado ang 1,718 frontline personnel mula sa tinaguriang “essential sectors.”     Ayon kay Health Usec. […]