• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process

MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings.

 

 

Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan habang taqiyah (skull cap) naman para sa mga kalalakihan.

 

 

Sa kamakailam lamang na social media advisory, nilinaw ng Philippine Statistics Authority, tumatayong PhilSys implementing agency, na hindi na nire-require ng mga registry offices ang mga Muslim registrants na alisin ang kanilang hijab at taqiyah sa photo capture o pagpapakuha ng litrato.

 

 

Bukod pa rito, pinaalalahanan ng PSA ang mga registrants sa buong bansa na ang ‘double registration’ at pagbibigay ng maling impormasyon ay maparurusahan sa ilalim ng batas.

 

 

Sa kasalukuyan, may mahigit sa 60 milyong Filipino ang nakapag-rehistro na para makakuha ng Philippine Identification (PhilID) card o national ID.

 

 

Ang Step 1 online registration ay via https://www.philsys.gov.ph habang ang final phase ay ang delivery ng PhilID cards ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

 

 

May kabuuang 8,176,454 physical cards ang idine-deliver sa buong bansa.

Libre naman ang buong proseso. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga kampanya sa 2022 elections’

    Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections.     Sa kanyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya. […]

  • ‘Kalap’ program, makatutulong para makaya ng mga magsasaka at MSMEs na maging mas ‘productive, competitive’ -PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na makatutulong ang  Kapatid Angat Lahat for Agriculture Program (KALAP), isang private sector initiative  na makaya ng mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa na mas maging  “more productive, profitable, sustainable and globally competitive.”     “We know very well how MSMEs are crucial […]

  • Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

    Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.     Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.   Dagdag pa […]