• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ng DTI na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa NCR, masusing pag-aaralan ng IATF sa takdang oras

MASUSING pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagbabatayan ng IATF sa takdang oras ang mga datos na makukuha mula sa Kalakhang Maynila kung dapat na bang maibaba ang quarantine classification ng NCR.

 

Nauna na kasing sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na nais nilang maluwagan na sa lalong madaling panahon ang quarantine status sa NCR.

 

Ani Sec. Roque, lahat naman ay naghahangad ng mas mababang quarantine classification nang sa gayon ay mas marami pa ang makapagtrabaho.

 

Subalit, ang desisyon ng IATF ay unahin ang total health protection ng publiko laban sa Delta variant.

 

Binigyang diin nito na hindi papayagan ng gobyerno na tuluyang magkasakit ang maraming Pilipino at hindi maging handa ang Healthcare system ng bansa para gamutin Ang mga seryoso o kritikal na magkakasakit Ng virus.

 

Sa kasalukuyan, pinapadami na ng gobyerno ang ICU bed capacity ng bansa upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas pa ng kaso ng Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • Mga nagtapos sa skills training

    PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang limampu’t siyam out-of-school at walang trabahong kabataang Navoteño matapos matagumpay na magkapagtapos sa libreng skills training mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. (Richard Mesa)

  • IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’

    THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network.     Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist.     Kinumpirma nga ito ng anak ni […]

  • Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB

    TINIYAK ng  National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.     Ayon kay NWRB ­Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito.     […]