• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ng NPC, hindi sinang-ayunan ni Bello

Tinanggihan ng labor department ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na gawing requirement ang pagkuha ng National Police Clearance (NPC) para sa anumang transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito kay PNP chief Debold Sinas na: “Bagama’t maganda ang intensiyon, ang hilingin sa kliyente na kumuha muna ng NPC para makatanggap ng serbisyo mula sa DOLE ay maaaring makasama imbes na makabuti.”

 

 

Ang NPC ay isang database na naglalayong paghusayin ang pag-iisyu ng police clearance sa buong bansa. Nauna rito, sumulat si PNP chief Debold Sinas kay Bello na hinihiling na hingan muna ang kliyente ng police clearance bago sila maaaring makipag-transaksyon sa DOLE.

 

 

Subalit ito ay tinutulan ng mga stakeholder ayon kay Bello.

 

 

Batay sa rapid survey na isinagawa ng DOLE, hindi sang-ayon ang mga stakeholder na mag-sumite muna ng police clearance para makipag-transaksiyon sa DOLE. “Ito ay isang uri ng red tape at karagdagang pasaning-pinansiyal sa karamihan,” dagdag ni Bello.

 

 

Ipinaliwanag din ng Kalihim ang importanteng dahilan kung bakit kailangan nilang tanggihan ang hiling ng NPC, ito aniya, ay hindi ayon sa polisiya ni Pangulong Duterte na nakasaad sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2019, and Executive Order No. 129.

 

 

Dagdag pa dito, walang legal na basehan para hilingin ng DOLE sa kanilang kliyente na kumuha ng NPC, ani Bello. “Maaari din nitong labagin ang probisyon sa 1987 Philippine Constitution, Labor Code of the Philippines, at ng iba pang umiiral na batas.

 

 

Gayunpaman, pinasalamatan ni Bello ang PNP sa patuloy nilang paghahanap ng paraan upang pangalagaan ang seguridad ng publiko. “Kasama kami ng PNP sa kanilang pagbuo ng ligtas na lugar para sa ating mamamayan,” wika niya.

 

 

“Subalit, maaari natin itong makamit nang hindi dinadagdagan ang pasanin ng publiko at ng mga mamamayan na ating pinagsisilbihan,” ani Bello.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sandra Bullock Announced She‘s Taking A Break From Acting

    ACADEMY Award-winning actress and producer Sandra Bullock has announced that she is taking a break from her acting career.     Bullock first emerged on the Hollywood scene in the early ’90s with standout performance in movies like Demolition Man with Sylvester Stallone, Speed with Keanu Reeves, and Irwin Winkler’s The Net.     The actress continued her run with a string […]

  • ‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP

    Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito.     “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”.     Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng  Philippine National Police […]

  • TBA Studios Brings Brendan Fraser’s Much Talked-About Comeback Movie “The Whale” to PH Cinemas

    BRENDAN Fraser’s highly anticipated and much talked-about comeback movie, “The Whale”, is coming to the Philippines this February 22.   The actor, who’s known for his leading man roles in films like “Bedazzled”, “George of the Jungle”, and the mega blockbuster franchise “The Mummy”, was in a decade long hiatus when Academy Award-winning director, Darren […]